LUNGSOD NG MALOLOS –Sa pangunguna ni Senator Imee Marcos katuwang si Mayor Christian D. Natividad, Department of Social Welfare and Development Region III at City Social Welfare and Development Office ay matagumpay na naipamahagi ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout mula sa pondo ng tanggapan ng senador na ginanap noong Wednesday (Feb. 28).
Ang AICS ay programa ng DSWD na naglalayon na matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya at indibidwal sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng biglaang kawalan ng trabaho/pangkabuhayan, karamdaman o pagkamatay ng mahal sa buhay.
Sa naging mensahe ni Senadora Imee Marcos, Ipinahayag niya ang inilaan na 100 million na budget para sa gagawing Zone Protection and Structure and Waterways ng Barangay San Vicente, Lungsod ng Malolos.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Christian D. Natividad sa tanggapan ni Senadora Marcos sa walang sawang pagpunta at pagbibigay tulong sa Lungsod ng Malolos.
Kaalinsabay ng Payout ay ang pamamahagi ng mga Nutribun sa Nutri Bus para sa mga bata at benepisyaryo.
Dumalo at nakiisa sa gawain sina Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, City Administrator Joel S. Eugenio at CSWDO Department Head Lolita S.P. Santos. (UnliNews Online)