Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsTulong pangkabuhayan, ipinamahagi sa mga Malolenyo

Tulong pangkabuhayan, ipinamahagi sa mga Malolenyo

LUNGSOD NG MALOLOS — Muling namahagi ng tulong pangkabuhayan ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguan ni Mayor Christian D. Natividad sa mga indigent Malolenyos na lubhang nangangailangan ng pagkakakitaan noong Miyerkules (Feb. 28) sa harap ng bagong gusali ng City Hall.

Nasa 20 sewing machines at 10 nego carts ang naipagkaloob sa mga Malolenyong pormal na humiling ng tulong sa Pamahalaang Lungsod, kalakip ang Certificate of Indigency mula sa City Social Welfare and Development Office.

Kung matatandaan, may kabuuang bilang na 200 Sewing Machines at 50 Nego Carts ang naipamahagi noong 2023 na kinabibilangan ng mga Indigent Solo Parents, PWDs, Senior Citizens, at kasapi ng TODA. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments