Friday, December 13, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsVillanueva: Tatak Pinoy Act magpapalakas sa paglikha ng trabaho

Villanueva: Tatak Pinoy Act magpapalakas sa paglikha ng trabaho

BINIGYANG-DIIN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang Tatak Pinoy Act ay magpapalakas sa pagsisikap ng pamahalaan sa paglikha ng trabaho para sa mga Pilipino, kasabay ng papuri sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang batas.

“We thank the President for always making jobs a priority goal of his administration. We also commend Senator Sonny Angara for relentlessly pushing for this measure to support our local industries and create employment opportunities for our kababayans,” sabi ni Villanueva.

Pupunan ng Tatak Pinoy Act ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) law na naglalayong bumuo ng national masterplan para pagtuunan ng pansin ang unemployment, underemployment, at youth unemployment sa bansa.

Si Villanueva ang principal sponsor at author ng TPB Law na nilagdaan bilang batas noong Setyembre 2023.

Ang Tatak Pinoy Act ay humihikayat, sumusuporta at nagsusulong ng produksyon ng mga lokal na produkto at serbisyo para mas maging globally competitive ang mga domestic enterprises.

Ang batas na ito ay tugma sa TPB law sa pagbibigay-din sa kahalagahan ng human resources sa pamamagitan ng pagbuo ng isang roadmap na susuporta sa mga target na sektor at aktibidad; pagsusulong ng academe-industry linkage para makapag-develop ng programa na tutugma sa pangangailangan ng industriya, kasama ang iba’t ibang uri ng pagsasanay, skills development, upskilling/reskilling, at lifelong learning.

“Malaking tulong po ang pagsasabatas ng Tatak Pinoy Act katuwang ang ating iniakdang TPB Act, halimbawa, para po sa mga Talbak coffee farmers sa Bulacan para ma-promote ang industriya at makapagbigay ng maraming trabaho sa ating mga kababayan,” ayon kay Villanueva.

Target din ng Tatak Pinoy Act na alamin ang mga kinakailangang programa, tulad ng innovation infrastructure at facilities para sa advanced research at incubation, at national at regional innovation hubs, kung saan itatampok ang kaugnay na advanced at emerging technology centers.

Mayroon din itong isang Council na titiyak na may domestic preference para sa mga locally-produced, sourced, o manufactured construction materials.

Ang Council ay inaatasan ding gumawa ng strategic, market-driven, at customer-centric research at development activities, pati technology transfer initiatives na mahalaga sa pagpapatupad ng Tatak Pinoy Strategy.

Titiyakin din ng Council na ang Tatak Pinoy investment activities at projects ay kasama sa listahan ng priority activities sa ilalim ng Strategic Investments Priority Plan.

Sa ilalim ng batas, ang mga programa at proyekto para sa pagpapahusay ng kakayahan ng domestic enterprises ay dapat kasama sa expenditure priorities at national government fiscal program.

“Tatak Pinoy will be a game-changer in opening up immense opportunities for our local industries and the much-needed jobs for our skilled and hardworking kababayans,” sabi pa ni Villanueva. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments