Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBayan ng Pandi, umani ng mga parangal sa taong 2023

Bayan ng Pandi, umani ng mga parangal sa taong 2023

ANG taong 2023 ang pinakamasuwerteng taon sa Pamahalaang Bayan ng Pandi makaraang humakot ng mga parangal at pagkilala dahil sa tapat at mahusay na pamamahala at maayos na pagpapatupad ng mga programa, proyekto at pagbibigay serbisyo sa isang bayan at mamamayan nito.

Ang tapat at mahusay na pamumuno at pamamahala nina Mayor Enrico Roque at Vice Mayor Lui Sebastian kasama ang mga miyembro ng Sanggunian at mga kawani ng pamahalaang bayan ang siyang naging batayan at basehan upang gawaran ng mga parangal ang bayan ng kasaysayan — ang Pandi.

Ang mga parangal at pagkilala na natanggap ng bayan ng Pandi ay ang prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) award ng DILG, Gawad Kalasag Seal of Exellence 2023 ng NDRRMC, Good Financial Housekeeping Awardee/Passer, Gawad Makabata (Local Chief Executive Awardee, Gawad Makabata (Local Council for the Protection of Children Awardee) at ang DSWD Service Delivery Assessment Highest Rating (Lvel 3).

Natupad ang isang animo’y pangarap lamang kay Mayor Roque at sa bayan ng Pandi dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagwagi ang Pandi ng Seal of Good Local Governance (SGLG) award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) nu’ng nakaraang taon.

Ani ng alkalde, ito ay bunga ng ibayong sipag, pagtityaga at dedikasyon ng bawat isang kawani ng ating lokal na pamahalaan.

“Ang pagbibigay sa bayan ng Pandi ng SGLG Award ay hindi lamang isang parangal para sa akin, sa mamamayan at sa bayan, kundi isang patunay na may magandang marararating ang pagtutulungan ng bawat isa,” saad pa ni Roque.

Dagdag pa nito, sa mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa mga nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor, at higit sa lahat, sa ating mga minamahal na kababayan, maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating mahal na bayan. Sa pagtuloy nating pagkakaisa, tiyak na mas marami pang tagumpay ang sa atin ay paparating.

Tumanggap din nu’ng nakaraang taon ang Pandi ng Gawad Kalasag Seal of Exellence 2023 mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Lubos na pinasalamatan ni Mayor Roque ang bumubuo ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) dahil sa taglay nilang dedikasyon, sipag, tapang at sakripisyo sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa kaligtasan ng bawat Pandieño.

Kabilang din sa natanggap na parangal ng nabanggit na bayan ay ang Good Financial Housekeeping Awardee/Passer sa ika-apat na pagkakataon.

Ang naturang pagkilala ay bunsod na rin sa matapat at mahusay na pamamahala sa yaman at kaban ng bayan dahil ito ay siyang nagbibigay daan sa maayos na pagpapatuloy sa mga programa, proyekto at pagbibigay serbisyo sa isang bayan at mamamayan nito.

Ginawaran din ng pagkilala si Mayor Roque ng Gawad Makabata (Local Chief Executive Awardee) dahil sa patuloy na pagsasagawa at implementasyon ng mga programa para sa proteksyon, kapakanan, at pag-unlad ng bawat bata at kabataan sa Pandi habang ang bayan ng Pandi ay ginawaran ng Gawad Makabata (Local Council for the Protection of Children Awardee).

“Magsisilbing inspirasyon ang karangalang ito upang lalo pang pagbutihin ang aming serbisyong publiko para sa kabutihan ng aming komunidad,” ani alkalde. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments