Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionSerkele: Kahawig ng papaitan na walang lasang pait

Serkele: Kahawig ng papaitan na walang lasang pait

KILALA ang food delicacy na “Serkele” sa Lalawigan ng Bulacan, ang katutubong putaheng Bulakenyo na hinahanap ng mga Pilipino na mahilig kumain o mag-ulam ng putaheng ito na puwedeng pang-ulam at puwede rin namang pampulutan kaya naman hinahanap natin ang mga kainan, karinderya at restaurant na naghahain ng Serkele.

Ang mga pangunahing sangkap ng Serkele ay ang isaw, lapay at atay ng baka kaya napakalasa. Doon sa Heredero Buffet Restaurant sa Kabilang Bakood barangay Sta Rita sa Guiguinto, Bulacan ay nagse-serve sila ng kalutong ito na talaga namang tatak Bulakenyo na kahit sabihin pa na mayroon din Serkele ang Ilocandia, pero naiiba ang Serkele doon sa Heredero.

Si Thony Arcenal, ang pangulo ng Bulacan Press Inc., ang dahilan kaya kami nakarating doon sa Heredero Buffet. Nasa compound ng Klir Water Park ang restaurant at may project doon ang BPCI na Kapihan at doon ang venue sa Klir Water Park. Nakilala ni Pangulong Thony ang general manager ng Klir, si Jopay Solas. Si GM Jopay naman ang nag-anyaya sa amin na mag-dinner sa Heredero at subukan daw naming tikman ang kanilang mga putahe na kalutong Bulakenyo.

Balik tayo sa paksang Serkele. Dahil ako naman ay walang rayuma kaya ang una kong tinikman ay ang Serkele. Napa-wow ako dahil sa masarap na pagkakaluto ng Serkele. Matagal Kong nilalasap ang sabaw at hinahanap ko ang lasang mapait Pero wala akong malasahang pait kaya tinanong ko ang isang waitress doon at tinanong ko siya kung bakit walang lasang pait ang Serkele nila.

Sumagot ang waitress sa aking tanong at kanyang sinabi: “Sir, hindi po papaitan iyan. Serkele po.” Napangiti ako sa tinuran ng waitress at doon ko napagtanto na magkaiba nga pala ang lasa ng Serkele at ng papaitan. Ang Serkele daw kasi ay pawang laman-loob ng baka ang mga sangkap, samantalang ang papaitan ay lamang-loob naman ng kambing.

Maraming putahe na nakalagay sa hilera ng mga palayok. May mga pangalan naman ng putahe ang bawat palayok kaya ng makita ko ang palayok na may karatula na “Longganisang Calumpit” ay kumuha ako ng Isang piraso ng longganisa at aking tinikman. Iyon nga ang Longganisang Calumpit na sinangkapan ng bawang kaya malasang malasa.

May Isa pang kakaibang putahe ang aking tinikman. Iyon ay ang “Alanganing Pancit” Bakit nga ba Alanganing Pancit? Hindi ko mawarinang lasa niyon. Mukhang sopas na tila sotanghon at kulay puti ang sabaw kaya inaakala kong sopas, pero may bihon naman. Basta masarap ang lasa at mag-aalangan ka talaga kung pancit o sotanghon ang putaheng iyon.

Sa buwang ito ng Marso gaganapin ang Kapihan ng BPCI. Sa aking pagkakaalam ay si Governor Daniel Fernando, ang posibleng isa sa mga guest na kinumbida sa Kapihan, kaya pareng Manny Balbin, ikaw naman ay member ng BPCI, inaasahan ang iyong pagdalo at ng makilala din ni GM Jopay, ang iyong pahayagan ang UnliNews Newspaper. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments