Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsPamahalaang Panlalawigan, naghatid ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Bocaue

Pamahalaang Panlalawigan, naghatid ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Bocaue

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagpa-abot ng tulong sina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro nu’ng Sabado (March 2) sa mga biktima ng sunog na tumupok sa 67 kabahayan sa Sitio Bihunan, Biñang 1st, Bocaue, Bulacan.

Ayon sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Bayan ng Bocaue, 59 bahay ang totally damaged habang anim naman ang partially damaged sa naganap na insidente.

Nagbigay ng P5,000 cash assistance si Fernando sa mga biktima ng sunog bilang karagdagan sa P10,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Tatanggap din sila ng emergency kits at food supplies sa mga susunod na araw.

Tatanggap rin ang may-ari ng mga fully damaged na bahay ng dagdag na tulong mula sa Kapitolyo.

Ipinaalala rin niya sa mga Bulakenyo na maging lubos na maingat lalo na at ang buwan ng Marso ay kilala bilang Buwan ng Pag-Iwas sa Sunog.

“Bago po kayo matulog siguraduhin natin na walang nakasinding kalan, walang nakasaksak na electric fan lalo na mga charger ng cellphone,” anang gobernador.

Nagtungo rin sina Pinuno ng Provincial Public Affairs Office Katrina Anne B. Balingit at mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office upang alamin ang kalagayan ng mga biktima; at MSWDO Bocaue sa pamumuno ni Nekiel Joy T. Tomaquin upang i-monitor ang insidente. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments