LUNGSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan — Tatlo katao ang namatay kabilang ang isang 7-taong gulang na batang babae sa naganap na sunog sa Barangay Libtong ng nasabing lungsod Biyernes ng madaling araw.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), naganap ang sunog sa Akilan Scrap Trading bandang ala-una ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Artemio Ines Jr, 40 anyos, single, stay-in production worker, Christina Ababon, 40, single, stay-in production worker at ang bata na si Angel Ines, 7 anyos.
Idineklarang fire out ng mga rumespondeng bumbero bandang alas-3:28 ng madaling araw.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang dahilan ng nasabing sunog. (UnliNews Online)