Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionBabala ng tag-tuyot, handa na ba ang gobyerno?

Babala ng tag-tuyot, handa na ba ang gobyerno?

MATINDI ang paalala sa pagpapa-labas ng advisory mula sa PAG-ASA ng El Nino Southern Oscillation (ENSO) nitong Enero 2024. Nakababahala ang banta ng tag-tuyot at ang phenomenon na ito ay nagdudulot ngayon ng pangamba sa mga tao lalo na sa rural areas o ang mga agricultural community ng bansa. Kasama sa banta ng tag-tuyot ang mga lugar na sakop ng Ilocos, Abra, Bataan, Zambales, Mindoro at Metro Manila.

Sa pagkakahanda ng pamahalaan ng National Action Plan (NAP) ay naka sentro ito sa mga kinakailangang ayusin at gawain para maging stable ang supply ng tubig, kuryente, pag-kain at security ng mamamayan sa banta ng tag-tuyot. Tinatayang aabot sa 65 lugar ang mararanasan ang matinding tag-tuyot dulot ng El Niño. Pitong porsyento sa lugar na ito ang daranas ng malubhang ‘dry spell’. Ang ‘dry condition’ na ito ay ang magpapatuloy ang init at mababa kumpara sa normal na weather conditions ang pag-ulan.

Nasambit ng PAG-ASA na sa ganitong kundisyon, maaring umabot sa 41 degrees centrigrade ang pinakamataas na temparatura at ito ay dapat pag-handaan ng husto bago pa magdulot ng matinding kapahamakan sa lahat ng nasasakupan.

Nakaabang din ang Department of Energy (DOE) sa maaring mangyari sa gitna ng banta ng tag-tuyot. Sisikapin nito na nakahanda ang departmento sa supply ng kuryente sa bansa sa naka-ambang El Niño at expected na ang pag-taas ng ‘demand’ para ito ay matugunan.

Sana naman ay mayroon nang matinding alternatibo at siguruhin ng DOE na dahil sa tag-tuyot ay posibleng maging dahilan ito na hindi maging operational ang mga hydroelectric power plants ng bansa. Atin din pinaalalahanan ang mga ‘consumers o users’ na maging ‘concious’ sa paggamit ng enerhiya at tubig.

Sa ngayon ay sapat pa ang supply ng tubig at kuryente, ngunit sa darating na mga buwan ay mararamdaman na ng lahat ang tindi ng epekto ng El Niño. Ating limitahan ang paggamit ng enerhiya at ating alalahanin ang sektor ng agrikutura na mas may priyoridad sa pangangailangan nito.

Sa pagiging masigasig ng DOE na paghandaan ang phenomenon na ito, ay anticipated na nila ang pagbababa hanggang 70 percent ang generation capacity ng hydroelectric power usage lalo na sa Luzon at Visayas grids dahil dito naka salpak ang malalaking planta ng hydro power.

Atin pa ring bantayan ang pagtitipid ng consumers at kalampagin ang gobyerno na mapa-igting ang implementasyon sa mga batas na nakapaloob sa “EEC Act that institutionalizes energy efficiency and conservation, enhance the efficient use of energy, and grant incentives to energy efficiency and conservation projects”.

Ang batas na ito ay inapubahan at napirmahan ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte noong 12 April 2019 at naging epektibo noong 22 May 2019 para mapapahusay ang pagtakbo ang enerhiya ng bansa.

Nakikisa rin ang mga NGOs gaya ng ‘Akbay Kalikasan at Project Luntian Cavite sa layunin ng bansa na mai-promote o ikalat sa pamamagitan ng patuloy na Information, Education, Communication’ campaign para sa tamang kaalaman sa pag-protekta sa Kalikasan.

Nakipag-ugnayan din ang grupo sa Guardians Socialite Society Inc. (GSSI PKI Chapter)na pinamumunuan ni founder Jonard Arquero at Presidente Alejandro Grepo. Layunin ng grupo na mapalawak ang clean up at tree planting drive sa probinsya ng cavite. Sama- sama tayo sa ‘effort’ ng pamahalaan para maibsan ang mga banta sa Kalikasan gaya ng El Niño phenomenon o matinding dulot ng pag-tuyot.

Ating binabati ng ‘Happy Fiesta’ na may temang-‘Kultura at Sining sa Paglago, Pagkakalilanlan, at Kakayahan ng mga Paniqeño’ sina Mayor Max Roxas at Bise Mayor Bien Roxas ng Paniqui, Tarlac. Excited ang mga kababayan ng Probinsya sa isang linggong kasayahan (March 11-15). Tara nang Maki – Fiesta! (UnliNews Online)

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalist, at community servant.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments