Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionSi Gob. Daniel ang IDOLO ko pagdating sa serbisyo publiko -- VG...

Si Gob. Daniel ang IDOLO ko pagdating sa serbisyo publiko — VG Castro

WALANG patid ang paghahatid ng serbisyo ang masipag at butihing Bise Gobernador ng lalawigan ng Bulacan na si Vice Governor Alexis “Alex” Castro.

Madalas na naririnig dati sa mga umpukan na bata pa ang isang Alexis Castro, wala pang alam at hindi pa hinog bilang isang public servant. Kumbaga ay hindi pa sapat at kulang pa ang kakayahan.

Subalit ngayon ang Bagong Mukha ng Bulacan na si Vice Governor Alex ay labis na hinahangaan ng mga Bulakenyo sa pagiging masipag, matulungin at may mababang loob lalo na sa pakikiharap sa mga taong dumudulog sa kanya upang humingi ng tulong na kagya’t naman niyang tinutugunan.

Matagumpay na naisagawa ang People’s Day ni Vice Governor Alex Castro noong ika-6 ng Marso sa Capitol Gym sa Lungsod ng Malolos. Ilang libong Bulakenyo ang nabiyayaan ng tulong mula sa masipag na bise gobernador.
(Kuha ni Allan Roi Casipit)

“Ayoko ng nahihirapan pa at pinagtatagal pa ang mga mamamayang humihingi at nangangailangan ng tulong. Nais natin na magawan agad ito nang paraan na matulungan sapagkat idolo natin si Gob. Fernando pagdating sa public service. HIndi na pinapahirapan o pinagtatagal pa ang pagtulong at kinakailangan na matugunan ito agad sa abot ng aking makakaya,” wika ni Vice Gov. Alex.

Upang mas mapalawig pa ang paghahatid ng serbisyo publiko naglagay ng VG Action Center sa ika-6 na distrito na matatagpuan sa Bayan ng Sta. Maria at ika-4 na distrito naman sa Bayan ng Marilao. At magkakaroon na rin ng VGAC sa ikatlong distrito sa Bayan ng San Rafael.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng satellite office na ito sapagkat hindi na po kailangan bumiyahe pa ng malayo para makarating sa kapitolyo. Ang VG Action Center na mismo ang naglapit ng Kapitolyo sa mga kalalawigan.

Bukod pa dito, patuloy din ang pagsasagawa ng People’s Day ni Vice Gob. Alex Castro at ito ay kanyang isinasagawa dalawang beses sa isang buwan sa Kapitolyo.

Nais agad niyang mabigyan ng solusyon ang mga Bulakenyong humihingi ng kanyang tulong at kung bibigyan namang ng pagkakataon, gusto niyang makadaupang palad ang ito at personal na kumustahin.

Mahalaga din kay VG Alex Castro ang edukasyon kung kaya’t may mga kabataang mag-aaral na nais makatapos ng pag-aaral ang kanyang tinutulungan na maging kabahagi sa iskolar program.

At sa huling bahagi ng aking pakikipanayam sa masipag na bise gobernador, malungkot na nanawagan ito at nakikiusap sa ilang Bulakenyo na huwag namang gawing modus ang paghingi ng tuolong, paggawa ng pekeng reseta at gawing dahilan na sabihing may anak gayon wala naman. Maging totoo sana tayo sa ating mga sarili upang ang tulong na aming ipagkakaloob sa ganyang mga maling istilo ay mapunta sa tao na mas higit na nangangailangan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments