Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsIka-161 na Malasakit Center, binuksan sa bayan ng Bocaue

Ika-161 na Malasakit Center, binuksan sa bayan ng Bocaue

BOCAUE, Bulacan — Upang makapagbigay ng accessible na serbisyong pangkalusugan at suporta sa mga Bulakenyo, pinangunahan nina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Senador Joel “Tesdaman” Villanueva kasama sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagbubukas ng Ika-161 na Malasakit Center sa Joni Villanueva General Hospital sa Barangay Igulot, noong Lunes (March 11).

Layong magsilbi bilang one-stop shop sa mga ahensiya kabilang na ang PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Department of Social Welfare and Development, magkakaloob ang Malasakit Center ng tulong medikal at pinansiyal sa mga kapus-palad na pasyente nang hindi na kinakailangan pang umalis sa lugar ng ospital upang ma-access ang mga serbisyo ng mga nabanggit na ahensiya.

Ipinaabot naman ni Fernando ang kanyang pasasalamat kina Senador Go at Villanueva at sa lahat ng mga taong nasa likod ng pagkakatayo ng ikaapat na Malasakit Center sa lalawigan.

“Ang center na ito ay nagpapatunay sa ating kolektibong adhikain na magbigay ng mas abot-kamay, abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Access to healthcare is a fundamental human right, and it is our duty as public servants to ensure that this right is upheld for every Bulakenyo,” anang gobernador.

Samantala, dinaluhan din ang paglulunsad ng mga opisyal ng Department of Health kabilang na sina Asec. Ariel Valencia, Usec. Maria Rosario Singh-Vergeire, Usec. Emmie Liza Perez-Chiong, Director Girlie Velozo, Regional Director Corazon I. Flores; Congressman Ambrosio Cruz, Bocaue Mayor Eduardo Villanueva, Jr., at Bocaue Vice Mayor Abgd. Sherwin Tugna; Dr. Renely Tungol, Medical Center Chief ng Joni Villanueva General Hospital; at iba pang mga kinatawan mula sa mga katuwang na ahensiya. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments