Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsHorse Racing bilang sports tourism destination ng bansa

Horse Racing bilang sports tourism destination ng bansa

SA aking panayam kamakailan kay Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Reli De Leon, pangarap niyang maging sentro ng sports tourism ang bansa.

Gusto niyang buksan ang horse racing sport na ito sa mga turista at umingay sa buong mundo lalo na sa mga apisuyunado ng sports.

Maghahain din si Chairman De Leon ng konkretong plano sa Department of Tourism (DOT), Department of Foreign Affairs (DFA), at sa mga iba’t ibang embahada sa bansa.

Ilan lamang ito sa mga estrahiya na tutulak sa interest na mapalakas ang horse racing sports sa bansa at maging alternatibo sa mga turista na hindi lamang ‘boracay’ ang kanilang mapupuntahan kungdi ang horse racing din.

ISINUSULONG ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang pagiging Sport Tourism ng bansa sa pangunguna PRC Chairman Reli De Leon (pangatlo mula kaliwa). Layunin ng ahensya na makilala ang horse racing na maging “major event” sa larangan ng sports at mahanay ito sa mga bansang kilala sa ganitong larangan gaya ng UK, USA, DUBAI, SAUDI ARABIA, IRELAND at AUSTRALIA. Kasama sa litrato ang mga batikang hinete ng horse racing sports sa bansa. (Julio O. Castillo Jr.)

Maraming pamamaraan para ma-‘boost’ ang horse racing bilang sports tourism. Pag nangyari ito ay malaking karagdagang kita sa ating gobyerno bilang tax dahil sa inaasahang turista na dadagsa sa bansa gaya ng nangyari sa Kentucky Derby sa Amerika o sa mga kilalang Derby races ng Dubai na nakaka-enganyo sa tinatayang 100,000 turista kada taon, na ibig sabihin ay maraming ‘employment opportunities’ din ang malilikha dito.

Napakaganda nang layunin ni Chairman Reli sa The Philippine Racing Commission (Philracom) under chairman Reli de Leon, sa kanyang kagustuhang lumawak ang parokyano ng sports bilang isang ‘Tourism Venue’ ng bansa. Sa dami ng travel agencies sa bansa ay puedeng i-coordinate dito ang ‘horse racing tour packages’ para sa mga local at international tourist.

BALIK TANAW

Nagsimula ang karera ng kabayo noong 700 hanggang 40 B.C. sa Greek Olympic Games, dahil sa kasikatan, ito ay kumalat sa ibang bansa gaya ng China, Persia, Arabia, Middle East at North Africa. Ang sports na ito ay na-develop naman bago mag 1000 B.C.E., noong ang mga Greko ay gumawa ng ‘2-wheeled carts o chariots’ at pinahihila ito sa mga kabayo. Kalaunan ay ginaya na ito ng Ehiptana at Romano hanggang sa marating na ang katanyangan ng sports sa ngayon.

Pinaka-tanyag at pinak-grandeng horse racing sa buong mundo naman ang ‘The Grand National” sa Ireland at United Kingdom, nangunguna at tinatangkilik ng karamihan. Kasama din sa mga sikat na Derby ay ang Royal Ascot, The Kentucky Derby, Melbourn Cup, Dubai World Cup, at Saudi Cup.

Ang pinaka-malaking industriya sa horse racing ay ang Australia na may maraming ‘racecourses’ kumpara sa iba’t ibang bansa. Pumangalawa ang United States sa bilang ng mga kabayong pangarera.

Naibahagi rin Chairman Reli De Leon na ang Philippine Racing Commission (PRC) ay isang horse racing institusyon sa Pilipinas at ito ay itinatag noong 1937 bilang ‘Santa Ana Turf Club sa Makati at ang ‘racetrack’ ay nakalagak sa ‘The Saddle and Clubs Leisure Park’ sa Naic, Cavite.

Sa kasalukuyan, ang Torres Street o ang Lipa-Padre Garcia Road ng Lipa City, Batangas ang kinikilalang ‘horse breeding capital’ ng bansa at dito nakalagak ang mga ‘thoroughbred, sa kanilang breeding farms gaya ng breeds ng Arab, Anglo-Arab, Gulf Arab, Morgan, Kentucky, Standardbred, selected native at grades.

Masuwerte ang Philracom sa pagkakatalaga kay Chairman Reli dahil sa kanyang vision na mailukluk ang horse racing na maging major sports tourism ng bansa.

Hindi madali na hawakan ang posisyon bilang chief ng isang ahensya gaya ng Philracom at masustena ang operasyon nito.

Kailangan ang talino, dedikasyon, at integridad ng isang lider para pagyamanin ito.

Sana ay mabigyan ng tamang suporta ng gobyerno ang ahensya para maging matagumpay ang layunin nito na makilala ng bansa bilang isang ‘sports tourism’ destination sa larangan ng horse racing.

*****

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalist, at community servant.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments