Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraSTL sa Batangas, tigil ang operasyon!

STL sa Batangas, tigil ang operasyon!

NAGTATAKA ang Sambayanang Batangueño sa biglaang paghinto o pagtigil ng operasyon ng Small Town Lottery o STL sa buong probinsya ng Batangas.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng ALA BIRA, hindi diumano makapagdesisyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO kung kanino ibibigay ang prangkisa para makapag-operate ng STL sa nasabing probinsya.

Ayon pa sa aking reliable source, karamihan umano sa mga aplikante ay pulitiko… Hehehe. Malapit na kasi ang eleksyon at kailangan ng mga ’yan ang malaking halaga. At tiyak, bookies pa rin ang paiiralin ng mga pulitikong ’yan!

Ayon pa rin sa mapagkakatiwalaang source, dahil sa operation ng bookies ay hindi pa umaabot sa 50 percent ang pumapasok sa PCSO mula sa Small Town Lottery na malaking tulong sana sa mga kababayang nangangailangan ng tulong pinansyal lalo na sa mahihirap na pamilya.

Gusto diumano ng mga mananayang residente ng Batangas na i-live ang pagbola ng STL para mapatunayang parehas ang laban at walang dayaan.

’Yan nga eh. Laging inuulit umano ang tumamang numero. Aba, sino pa nga ba sa mamamayang mananaya ang tataya sa katatama lang na numero.

Ang mga taong nagbabasakaling manalo o tumama. Mga taong kapit sa patalim at ang kunting perang ibibili na lang ng ulam para sa pamilya ay i-pakikipagsapalaran pa tapos dinadaya lang mga ganid sa salapi.

Dito sa bayan kong sinilangan ang CALACA, marami rin diumanong barangay na nag-o-operate ng STL BOOKIES. Ayon sa reliable source ah, halal pa ng bayan ang mismong kapitalista… ABA! Gaano katotoo ito.

Mabigat na akusasyon ito ah. Sana masampulan ng otoridad galing sa nasyonal ang balitang ito. Kaya tinatawagan natin ng pansin ang DILG, PCSO, at PNP.

Announcement:

Ang ALA BIRA ni Bayani H. Alamag sa UnliNews Online ay hindi lamang natin mababasa kundi mapapanood na rin sa Facebook at YouTube sa ALA BIRA Online News and Opinion.

Pupunahin ng inyong lingkod ang mga politiko at otoridad na nasa puwesto at may maling ginagawa habang pupurihin naman kapag maganda ang ginagawa nito. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments