ANG DFMI o Damayang Filipino Movement Inc. ay nagsagawa ng Medical Mission at naghandog ng libreng serbisyong medikal sa residente ng Barangay Perez, City of Meycauayan, kamakailan.
Ayon kay Ate Tenie Ramirez- Bautista, Chairperson ng DFMI, kabilang sa mga serbisyong hatid ng naturang medical mission ay libreng laboratory test tulad ng hba1c, uric acid, cholesterol, x-ray at ECG, libreng gamot; libreng bunot ng ngipin, konsulta sa mata at libreng reading glasses at libreng gupit.
Dagdag pa ni Ate Tenie, ang medical mission ng DFMI ay regular na isinasagawa sa iba’t ibang parte o barangay sa lalawigan ng Bulacan.
Nagpasalamat naman ang masasayang residente ng Brgy. Perez kay Gov. Daniel R. Fernando, ang Founder ng DFMI, dahil sa inihatid na libreng serbisyo medikal, at sa masipag na Chairperson Ate Tenie Ramirez- Bautista, sa mga doktor at mga DFMI volunteers. (UnliNews Online)