Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park

‘SUGAT’

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ang SSC o Samahang Senakulista ng Barangay Caingin ay nagsagawa ng isang umagang pagtatang­hal noong Miyerkules Santo sa Brgy. Mambog hinggil Buhay, Pagpapasakit, Kamatayan ng Panginoong Hesukristo na pinamagatang “SUGAT.”

Ang SSC na nabuo at naitatag noong taong 1925 ay nagpapalabas ng tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako sa krus sa iba’t ibang parte ng lalawigan ng Bulacan at maging sa mga karatig bayan.

Mula nang mabuo ang naturang samahan, umusbong na rin ang salitang panata ng bawat miyembro. Panata na gaganap ang bawat kasapi sa mga papel o character sa Senakulo taun-taon. Hanggang ito ay magpasalin-salin mula sa mga dating miyembro hanggang sa makabago at modernong henerasyon.

Ang tema ng pagganap sa Senakulo ay humuhugot mula sa pagpapakahirap at pagpapakasakit ni HesuCristo na siyang nagsilbing pagtubos sa mga nagawang kasalanan ng sanlibutan.

Ang mga personahe na gumaganap sa bawat karakter ng naturang Senakulo ay dumadaan sa masusing pag-eensayo o pagsasanay kasama ang mga bumubuo ng produksyon.

Ang bawat pagtatanghal ng samahan mula noon hanggang sa kasalukuyan ay sumasailalim sa mga taong namumuno at nangangasiwa sa produksyon mula sa production staff, light & sounds effects, costume dept., make-up dept. food dept., at iba pa.

Bago pa ang pagtatanghal ng SSC sa Brgy. Mambog, nagsagawa na ng palabas ang naturang grupo sa Brgy. Bungahan noong Martes Santo habang nakatakda silang magtanghal sa Brgy. Caingin sa Huwebes at Biyernes Santo. Salamat sa suporta ni Kap. Robin Cruz, na dating gumaganap sa Senakulo at sa bumubuo ng Pamahalaang Barangay ng Caingin.

Ang bawat pagtatanghal ng grupong Senakulista ay sumasaklaw sa iisang layunin — ang maipamulat sa mga bagong sibol na mga kabataan ang kahalagahan ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap ni HesuCristo.

Ang naturang pagtata­nghal sa Brgy. Mambog ay ma­tagumpay na naidaos sa tulong at suporta ni Mayor Christian D. Natividad at mula sa pangunguna ni Kapitan Bernardo Santiago at ng buong Sanggunian Barangay ng Mambog.

Ang mga nagsipagganap sa Senakulo 2024 ay binubuo nina Ronald Maclang bilang Hesus; Gwen Villena – bilang Maria; Rainier Santiago – Pontius Pilate; Shane Macatantan – Claudia; Dion Garde – Amir; Dincent Plamenco – Lucius; – Albert Calpa Cruz – Herodes; Rachel Vivas – Herodias; Raiza Robielos – Marthta; Trisha Santiago – Veronica; Thea Santiago – Magdalena; Ada Acuna – Juan Ebanghelista; Eduardo Espino – Hudas; Patrick Garcia – Pedro; Aris Galvez – Kaypas; Renz Estrada, Jeff Desquitado, David Angelo Cruz, Yuki Kiro Francisco, Clarence Enopia bilang mga Cenadrin.

Ang Production Staff naman ay kinabibilangan nina Michael Anthony Giron (light and sounds), John Raphael Lati, Ian Borlongan, Marlon Salvador (effects dept.), Arie Enopia, Reslyn Santiago, Lester Capili, at Val Penafier (make-up dept.), Allan Capule, Andrian Paul Acuna, Rhaiza Rubielos, Brix Galos (costume dept.), Faye Caluag, Aaron Cruz, Gwen Villena, Johnerick Cruz, Jommel Publiko, Mara Bernardino, Mico Martin, Shane Macatantan, Trisha Lorraine Santiago at Christian Bautista (props dept.) Michael Carlos, Ranier Santiago (set dept.) at Jenny Santiago, Janice Villena, Thea Santiago, Erwin Asban Alma Macatantan (food dept.).

Kasama rin si Rex Bautista (production manager); Renato Santiago (technical director); Alexis Cruz (writer); Rachel Dela Torre Bongga (stage manager); Faye Caluag (asst. director); at ang naglapat at bumuo ng Senakulo 2024 ay si Direktor Micahel Miguel.

Sa susunod na taon, ang Samahang Senakulista ng Barangay Caingin o SSC ay magdaraos ng kanilang ika-100 taon. Inaasahan na isang mas maganda at mas makulay na patatanghal ang kanilang ipalalabas sa taong 2025.

Magkita-kita po tayo sa susunod na taon. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments