Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinion‘No Permit, No Exam Prohibition Act’, dagok sa private schools

‘No Permit, No Exam Prohibition Act’, dagok sa private schools

NATUWA ang mga estudyante at magulang sa pagkaka-batas ng Republic Act No. 11984, o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act” kamakailan lamang.

Ang batas na ito ay magsisislbing isang malaking dagok para sa mga pribadong eskwelahan dahil mahihinto na ang “No Permit, No Exam” policy nila.

Ang regulasyon na ito ng mga private schools ay isang pamamaraan na masiguro na ang estudyante ay mabayaran ang kanilang tuition fee kada exam period. Iilan lamang ang may pribelihiyong magka-pag-pa-aral sa pribadong eskwela ang mga magulang dahil sa kakulangang pinansyal.

Ayon sa DepEd, maraming nagsarang pribadong eskwelahan noong 2020-2021, isang dahilan ay ang pag-lilipat ng mga magulang sa kanilang estudyante sa mga ‘Public Schools’ dahil sa “Free Tuition Fee” policy ng gobiyerno. at umabot ito sa tinatayang 250,000 na “exodus”.

ISINUSULONG ni Dr. Raymund P. Arcega, President at Executive Director ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) ang pagpapatupad sa tama at kalidad na edukasyon sa mga pampublikong kolehiyo at Unibersidad ng bansa. Ang grupo ay kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) bilang katuwang na masiguro ang kaayusan at bigyan ng mahusay at mataas na antas ang government tertiary education sa Pilipinas.

Sa pagkakabatas ng RA NO. 11984 ay malamang na madadagdagan na naman ang bilang nito. Sa hirap ng buhay ngayon ay naghahanap na ng alternatibo ang mga magulang para matustusan at hindi mahinto ng pag-aaral ang kanilang mga estudyante.

Karamihan sa mga guro ay lumilipat na din sa public schools dahil ang sweldo ay halos triple ang taas kumpara sa kanilang pinagtuturuan. Ang starting salary sa mga public schools ay umaabot sa P25,000 samantalang P8,000-P12,000 naman ang sa karamihang pribadong eskwelahan.

Malaking kadahilanan ay ang kawalan ng enrollees sa eskwela kaya nag-sasara ang mga ito. Ang tanong ay handa kaya ang mga public schools na tanggapin ang mga maglilipatan kung saka-sakali?

Nagka-roon ng stop-gap measures ang DepEd sa ganitong sitwasyon, nag-bigay ng ‘vouchers’ sa private school transferees pero hindi naging sapat sa karamihan dahil Malaki pa din ang maiiwang bayarin sa pribadong eskwela.

Maraming komento na ang private schools ay mas may kwalidad sa edukasyon kaysa sa public schools. Bilang isang propesor ay hindi tama ang sapantahang ganito.

Kung bibigyan ng tamang pondo ang eskwela ay maayos ang performance nito, isang Magandang halimbawa ay ang Philippine Science High School System at University of the Philippines.

Nagpakita rin nang exemplary performance ang K-12 program ng UP Integrated School, at ang UP Rural High School sa Los Baños. Karamihan sa mga institusyong akademya ay dumadaan sa masusing pagsisiyasat mula sa Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA), ito ay may instrumento na nagsisiyasat sa kwalidad ng edukasyon ng isang paaralan at bigyan ng karampatang antas ayon sa pamantayan ng akademya.

Malaki ang naging kontibusyon ng public school system sa 90 por siyento ng pinoy ang ‘mass education’ kung saan ang mga ‘basics’ ay kanilang napag-aralan. Sana ay handa ang ating gobyerno sa inaasahang pagdami nang magsasarang pribadong eskwelahan at lilipat sa public schools sa darating na pasukan. Sa laki ng aprubadong alokasyong budget na P924.7 Bilyon ng DepEd ay sana mailagay ito ng tama at maisama ang mga inaasahang paglaki ng mga bilang ng estudyante sa darating na pasukan.


SHOUT out kay Renz Fajardo, bagong inaabangan sa larangan ng musika. Si Renz ay nagmula sa pamilyang mahilig sa musika – namana sa kanyang ina na isang singer at drummer na ama. Pangarap din niya na maging propesyonal na enhinyero kalaunan pero nais muna ni Renz na sumabak sa kantahan. Passion niya rin ang magsulat ng kanta at mahilig mangharana sa kalye ng Naga City at siya ay nakilala bilang “The Busking Prince of Naga City.”

Ngayon ay busy si Renz sa Manila at patuloy ang kanyang ‘busking gig’ sa Bonifactio Global City (BGC), malls sa Quezon city, Manila at iba pa. Renz Fajardo’s original composition at covers ay ma-e-enjoy Ninyo sa official YouTube channel: https://www.youtube.com/@renzfajardo2703. For bookings and possible collaborations, Renz can be contacted at his mobile number: 09295912513.

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments