PANDI, Bulacan — Nakatakdang kilalanin si Pandi Mayor Enrico Roque bilang Most Outstanding and Inspiring Municipal Mayor of the Year Exceptional and Remarkable Contributor to the Community ng Gintong Parangal 2024.
Ang paggawad ng naturang parangal ay isasagawa sa Grand Ballroom, Heritage Hotel, Pasay City sa April 11, 2024.
Sa eksklusibong panayam ng UnliNews kay Mayor Roque, sinabi nito na isang malaking karangalan para sa isang ama ng bayan na makilala ng iba ang pagsisikap na ginagawa nito para sa ikabubuti at ikauunlad ng kaniyang nasasakupang lugar.
Aniya, malaking bagay na maiuwi ang naturang pagkilala dahil patunay lamang ito na nasa tamang landas ang mga namumuno ng isang bayan at nararamdaman din umano ng mga residente ang mga programa para sa publiko.
Dagdag pa ng alkalde, ang award na ito ay magsisilbing inspirasyon para mas ipagpatuloy pa ang mga nasimulan sa pag-upo nito bilang alkalde ng nasabing bayan.
Kasali kasi sa mga programa at proyekto ng kanilang bayan ang pagbibigay solusyon sa edukasyon, kalusugan ng mga senior Citizen, libreng check up at laboratories sa pamamagitan ng #labexpress, pagbibigay ng ayuda o tulong sa mga senior citizens, programang sa dental sa mga daycare children, pamamahagi ng local pension at marami pang iba.
Samantala, ipinaabot na lamang Mayor Roque ang kaniyang pasasalamat sa award giving body at Gintong Parangal committe para sa pagkilala sa kaniyang pagsisikap na maiangat ang buhay ng kanilang mga nasasakupan. (UnliNews Online)