Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionDagdag benepisyo sa Senior Citizen at PWD, ikinasa na!

Dagdag benepisyo sa Senior Citizen at PWD, ikinasa na!

MAGANDANG development ang pagkaka-approved ng tatlong House Bills (HBs) na naglalayong dagdagan ang mga benepisyo para sa mga senior citizens (SCs) at persons with disabilities (PWDs) ng bansa. Ang mga hakbanging ganito ay kaiga-igaya sa ating mga kababayan na saklaw sa batas na ito. Sana ay dagdagan pa ito ng karampatang benepisyo at amendahan ang ibang batas na hindi nagiging tapat at sapat sa mga dapat mabigyan nito bilang benepisyo.

Maganda ang layunin nang House of Representatives sa pakaka-apruba ng HB10061, 10062, at 10063 na may layon na palawaking ang mga natatanggap na benepisyo para sa mga senior citizens at PWD natin.
Nakasaad sa HB10061 ang 20 percent na diskwento sa value added tax (VAT) ang mga kalakal at serbisyo para sa SCs at PWDs pero dapat ay malinaw ang pagkakadiin sa batas na isama ang mga ‘meal package’ o mga promo-combination na ini-o-o-offer sa mga komersiyong establisyamento.

Ang HB10062 ay naglalayon naman na mabigyan ng 20 por siyento diskwento at VAT exemption sa parking fees ang ating mga SCs at PWDs. Dapat ay espesipiko ang batas na isama ang mga “parking services” gaya nang ‘valet’ parking sa mga hotel, restaurant, malls, event place at iba pa, maging ang SCs/PWDs ang nag-mamaneho o may driver man ito bilang pasahero.

Madalas kong nararanasan na hindi rin binibigyan bisa ang SC o PWD IDs na hindi sakop nang kanilang siyudad. Feeling ko napaka-unfair nito at madalas bilang isang senior citizen ay napapatanong na lamang ako ng “bakit? Ano ba ang pagkakaiba nang SC ng syudad Ninyo sa lugar namin?”.

Kalimitan, ganyan ang nararanasan nang karamihang SCs at PWDs sa mga establishamentong iba ang pag-kakaintindi o ayaw intindihin ang batas o tignan na lang natin sa ‘konsiderasyon’ point of view ang pagpapayag na pagbigyan ito.

Kalakip din sa HB10062 ang 15 por siyentong diskwento sa kuryente at tubig na kinukunsumo ng SC at PWD sa hindi lalagpas ng 100 kilowatt hours (kwh) sa kuryente at 30 cu. Meters sa tubig. Malaking kaginhawaan ito sa mga apektadong demograpiko ng batas na ito, lalo na at hindi bumababa ang mga bayarin sa mga kunsumong nabanggit.

Karamihan sa SCs at PWDs natin ay hindi pamilyar sa teknologiya gaya ng websites navigation na gamit ng karamihang serbisyo sa ‘government agencies’ ng bansa gaya ng NBI, Police, BIR at Ibpa. Ang on-line shopping ay kasama na din sa Sistema ng pamimili gaya ng Shoppee, Lazada etc. ang mga online retailers na ito ay saklaw ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pagkakasaklaw nito, ang HB10063 ay naglalayon na bigyan ng mabilis, madaling intindihin at maayos na ‘access’ ang ating mga senior at PWDs. Maganda ang layunin ng bill na ito at dapat mabigyan ng ispesyal na ‘portal’ na dedicated sa sektor ng SCs at PWDs para sa maayos at malinaw na karampatang serbisyo.

Dapat na maki-pagtulungan ang mga government agencies at bigyan diin ng DTI ang pag-bibigay direktibo sa mga establisyemento na mabigyan ng tamang teknologiyang disenyo para maging madali ang Sistema para sa ating mga kababayang nakasandal sa batas na ito.

Dasal din ng nakararami na amiyendahan ng Department of Health (DOH) ang polisiya tunggol sa limitadong supply ng gamot na isang buwan lamang na kunsumo mula sa administrative order no. (AO) no. 2010-0032 dahil ito umano ay hindi nakasaad sa batas. Sa kasalukuyan, ang preskription ng gamot para sa mga kinauukulan ay naka-depende sa kung ilan at ano ang reseta ng doctor. (UnliNews Online)

Tungkol sa kolumnista:
Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments