Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsAngat Mayor’s Cup 2024, sinimulan na!

Angat Mayor’s Cup 2024, sinimulan na!

Ni Verna Santos at Allan Roi Casipit

ANGAT, Bulacan — Pormal nang sinimulan ang Angat Mayor’s Cup 2024 sa pangunguna ni Angat Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista at Vice Mayor Arvin Agustin kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan noong ika- 23 ng Marso 2024 na ginanap sa Angat Municipal Gym.

Sinimulan ang nasabing palaro ng masigla at masayang parada ng mga manlalaro ng bawat barangay na lumahok sa inter-barangay league sa larong basketball at volleyball nakiisa din sa parada ang mga sumusuporta sa bawat koponan na lumibot sa bukana ng mga kakalsadahan na inabangan naman ng mamamayang Angatenyo na natagpos sa municipal gym.

Sinabi ni Mayor Jowar Bautista ang Angat Mayor’s Cup “ito ay masasabi natin na isa sa katuparan ng ating pangako, katuparan ng ating pangarap at ating mga programa para sa Bayan ng Angat. Katulad noong kami’y nangangampanya pa lamang ay sinabi ko na hindi ko pababayaan ang sektor ng kabataan. Bibigyan natin ng mga kasiyahan, bibigyan natin ng mga palaro at ito ay isa sa mga katuparan ng ating pangarap, katuparan ng ating pangako noong nakaraang eleksyon kung kaya’t kami po ay buong pusong susuporta at buong puso po kaming tutulong upang lalong mapasigla, mapaganda ang samahan ng ating mga kabataan at mailayo sa masamang bisyo.”

Hiniling ni Mayor Jowar sa mga kabataang manlalaro na “sana ay maging masaya,maging maganda at matagumpay ang palarong ito, gusto ko din po sanang ihabilin sa mga kabataan ng Angat na hind lang panalo sa bawat palaro ang lundo nito kundi ang magkaroon tayo ng disiplina,mga ka-bonding, mga kaibigan at grupo ng kabataan na pwede nating ilaban sa iba’t ibang larangan palaro man ito o edukasyon.”

Dagdag pa ng alkalde, magkakaiba man ang kulay ng inyong uniporme pero tandaan nyo iisang lahi tayo, iisa ang lahing Angatenyo dapat nagtutulong-tulong, nagkakaisa para sa ikabubuti ng ating bayan dahil naniniwala po ako na meron po tayong malusog na pamayanan at magkakaroon din tayo ng maulad na pamayanan.

Bilang pasimula ng paliga nagpakitang gilas ang muse ng bawat team ng barangay nasungkit ng Musa ng Barangay Donacion ang 1st place, 2nd place naman ang Barangay Marungko at 3rd place ang Barangay Pulong Yantoc.

Pinasalamatan ni Mayor Jowar Bautista ang lahat ng mga tumulong at nakiisa sa nasabing paliga lalong higit sa kanilang kauna-unahang Ama na kumakatawan sa kanilang distrito na si Congressman Salvador “Ador” Pleyto. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments