MAHIGPIT ang panawagan ng Zamboanga City na ayusin ang tamang pagtatapon ng basura sa siyudad. Ang pagdami ng basura sa lugar ay dulot na din ng mabilis na pag-unlad nito.
Ibang – iba ang Zambaonga City ngayon kumpara noong mga dekada 80’s at 90s’ kung saan ito ay payak pa at ang commercial centers ay naka-concentrate lamang sa kalye ‘Guardia Nacional’ at paligid nito.
Hanggang sa dumating na ang mga ‘commercial giants’ gaya ng SM MINDPRO, Koronadal Commercial Center (KCC) at hanggang sa nagsunuran nang magpalaki ang ibang datihang sikat na commercial center establishments sa syudad.
Sa pag-unlad ng komersyo dito ay dumami na ang residente na dumayo mula karatig lugar dahil sa oportunidad ng trabaho dulot ng urbanisasyon.
Nanganganib din na industrya sa lugar ay ang mga resorts na ‘accessible’ sa tourism ng lugar gaya nang Sta. Cruz Island na isa sa tinuturing na mayroong pinakamagandang ‘beaches’ sa buong mundo ayon sa National Geographic, taglay nito ang ‘pinkish sand’, nakamamanghang sand bar, mystical lagoon, at malinaw na katubigan.
Dahil sa dami ng turista ay malamang na maging ‘boracay’ din ito kalaunan na kung hindi ipinasara ng dating presidente Rodrigo Roa Duterte ay malamang na maging bulok din ito kung hindi maaksyunan at mabantayan ang lumalalang problema sa basura ng lugar.
Ang Zamboanga city ay klasipikadong 1st class at highly urbanized na syudad, sa ngayon ay may populasyon na tinataya sa 977,234 na bilang.
Dahil sa patuloy na pag-unlad dito ay di malayong dayuhin ng mga turista mula sa karatig na bansa at ‘domestic’ tourists kalaunan.
Masigasig ang LGU ng Zamboanga City sa pangunguna ni Mayor John M. Dalipe na maresolba ang paglala ng problema sa basura ng lugar at pinag-tibay ito ng ordinansya bilang. 2016-176, na nagbuo ng isang “Integrated Solid Waste Management System” sa siyudad.
Nakita at natuklasan ng LGU na ang kawalan ng disiplina ng mga tao ang isang dahilan kung bakit dumadami ang basura sa lugar.
Hindi sumusunod ang mga nasasakupan sa ibinibigay na alitutunin ng pamahalaan kahit ito ay mandato na gaya ng tamang oras at koleksyon ng mga basura sa lugar.
Sa kasalukuyan, ang city government at Office of the City Environment and Natural Resources (OCENR) ay may magkasamang responsibilidad para tuparin ang tamang pamamaraan sa ‘garbage collection’ ng syudad.
Kasama ang mga nasasakupang barangay na siyang hahakot sa mga kaloob-loobang residente at ilalagay sa ‘designated’ na lugar na paghahakutan ng LGU.
“Hindi tumitigil ang Zamboanga city na hanapan ng karampatang solusyon ang pag-sasaayos ng basura” ayon kay city administrator Atty. Wendell Sotto. (UnliNews Online)