Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsIka-78th Founding Anniversary ng Pandi, gugunitain

Ika-78th Founding Anniversary ng Pandi, gugunitain

PANDI, Bulacan — Bilang pagpupugay sa kasaysayan at pag-unlad, ginunita ng bayan ng Pandi ang ika-78th Founding Anniversary mula nang ganap na maging isang pamahalaan noong Abril 17, 1946.

Ang naturang selebrasyon ay magsisimula ng Abril 17 sa pamamagitan ng isang banal na misa na gaganapin sa Inang Filipina Shrine sa Real De Cacarong bandang alas-8 ng umaga habang isang fashion show na sesentro sa mga gawang Pandisenyo sa gabi sa Amana Royale sa Brgy. Bagong Barrio.

Isang golf tournament ang gaganapin sa Royal Northwood Golf Club Inc. sa April 19 na tatawaging 1st Mayor Enrico A. Roque Golf Tournament.

Sa huling araw ng pagdiriwang (April 20) gaganapin ang pagbibigay ng parangal sa mga retiradong kawani ng Pamahalaan Lokal ng Pandi na gaganapin sa amana Royale sa ganap na alas-5 ng hapon.

Kaya asahan na ng mga Bulakenyo at galing at husay na ipapakita ng mga Pandienyo sa pamamagitan ng Barong at Saya Festival 2024.

Inaanyayahan naman ni Mayor Roque ang mga Bulakenyo mula sa mga kalapit bayan at lungsod na muling saksihan ang pagdiriwang ng ika-78th Founding Anniversary ng bayan ng Pandi. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments