Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionNasaan ang warships at fighter Jets ng China sa WPS?

Nasaan ang warships at fighter Jets ng China sa WPS?

NOONG magsagawa ng maritime cooperative activity sa West Philippine Sea (WPS) ang Pilipinas, America, Australia at Japan ay maraming komento ang naglabasan sa social media ang balita ukol sa naturang aktibidad. May nagsabi rin na naduwag daw umano ang mga Intsik kaya hindi nakaporma ang mga barko ng Chinese navy, kesyo nagtago pa diumano. Naduwag ba talaga?

Alam ninyo, andyan lang sa karagatang sakop ng ating teritoryo ang mga barkong pandigma ng China. Hindi ba’t gumawa sila ng pitong artificial islands sa WPS? Ang Mischief (Panganiban) Reef na may lawak na 558 ektarya ay tinambakan nila at tinayuan ng nga gusali, radar, air strip at pier. Naroon lang ang kanilang fighter jets sa hangar at ang mga warships ay nakadaong sa pier.

Kaya kung talagang iinit ang iringan diyan sa WPS at talaga namang hindi natin hahayaang tuluyang naangkin ng China ang ating karagatang nakapaloob sa EEZ. Kaalyado namann natin ang Estados Unidos, maging ang Japan at iba pang mga bansa na handang tumulong sa atin kung magkakaroon ng gulo diyan sa WPS . Kaya lang, asahan na ang maapoy na tunggalian kapag ang usapin ay humantong sa mainit na komprontasyon.

Ito ang sinasabing kalagayan ng Subi Reef, o Zamora Reef 394 hectare artificial island. Tinayuan din ito ng mga katulad na istraktura. Mayroong mga radar at maaaring nakapaglagay na ang mga Intsik ng mga missile tulad ng super ballistic missiles sa naturang artificial islands, ayon sa ulat.

Bukod sa Subi at Zamora reefs mayroon pang limang geologic features sa WPS ang ni-reclaim China tulad ng mga sumusunod: Cuarteron (Calderon) Reef, Gaven (Burgos) Reef, Hughes (McKennan) Reef, Johnson (Mabini) Reef, at ang Fiery Cross Reef o Kagitingan Reef.

Kung ang mga artipisyal na islang iyan ay mistulang garrison na puno ng mga armada, hindi madali ang pagpapalayas sa mga Intsik na namamalagi sa pitong artificial islands diyan sa lugar na sakop ng ating teritoryo.

Hindi nga ba’t kinilala ng The Hague arbitral tribunal na ang Subi Reef ay nasa loob ng ating karagatan. Malapit lang ito sa PAGASA Island kaya sa ating lahat ang mga mababaw na buhanginan diyan sa WPS kaya matibay ang ating sovereign right sa mga iyan kaya ang pagtatayo ng mga istraktura ng China sa Subi Reef at Panganiban Reef labag sa international law. Tayo lang ang may karapatang magtayo ng istraktura sa mga geological features na parte ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) ayon na rin sa UNCLOS.

Sa pamagat ng kolum kong ito ay may katanungan kung nasaan ang mga barkong pandigma ng China sa WPS? Ang sagot sa tanong na iyan ay andun lang at nakadaong sa mga pier ng mga artificial islands at anomang oras ay puwedeng ideploy. Naroon din marahil ang kanilang mga jet fighters maging ang mga bombers pati ang mga missiles. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments