SUPORTADO ni Pagadian Mayor Sammy Co na ayusin ang tamang ‘treatment’ sa pamamasura ng siyudad. Isa sa mga nakikiktang banta ng walang habas na pag-tatapon ng basura ay ang kawalan ng disiplina ng tao sa mga nasasakupang lugar.
Hindi lamang dito sa Zamboanga del Sur ang ganitong banta sa Kalikasan dahil sa pag-tambak ng basura kundi ito rin ang nagiging problema sa ibang lugar na patungo na sa pag-unlad.
Sa aking pag-obserba kamakailan sa Pagadian city ay hindi na maiiwasan ang pag-usad nito bilang ‘metropolis’ kalaunan. May mga komersyal na establisimiento na at ‘on -going’ ang mga construction nito. Dumadami na rin ang mga mangangalakal na nais makihalo sa pag-unlad ng siyudad.
Maganda ang pag-unlad ng isang bayan kung ang basura nito ay nababantayan ng husto. “Patuloy at walang tigil ang aking pamahalaan na ipa-alala sa lahat ng aking nasasakupan ang kung paano maiiwasan ang pag-dami ng basura sa aming lugar”, ayon kay Mayor Sammy Co.
Sinuportahan naman ito ng kanyang CENRO officer na si Analyn Cervantes Babayson at ibinahagi ang programang patuloy na IEC o Information, Education, Communication campaign tungkol sa paano ang tamang pagtrato sa pamamasura.
Ang IEC ng siyudad ay ang walang humpay na pag-papaalala sa prinsipiyo ng 5 R’s: Refuse, Reduce, Reuse, Repurpose, Recycle. Hindi bago programang ganito pero sinisiguro ng LGU ng Pagadian na bigyan diin ang tamang implementasyon nito sa mga nasasakupan.
Panganib din ang pagdami ng basura sa kalagayan ng karagatan na sakop ang probinsya. Hinihikayat ni Mayor Sammy ang pagiging aktibo ng mga volunteers sa paglilinis nito. Maganda ang naging resulta noong huling coastal clean-up drive activity nila.
Umabot ito sa mahigit kumulang na 3,100 na nakisalo mula publiko at pribadong volunteers sa paglilinis at pag-babantay ng karagatan sa nasasakupan.
Magandang halimbawa ito sa mga residente ng lugar dahil nagiging malawak ang kanilang kamalayan sa pag-protekta ng Kalikasan. Nakakolekta sa tinatayang 170 tons ng basura sa coastal clean-up na ito.
Naalala ko noong 90’s ang Pagadian ay isang napakapayak na lugar at makikita ang kalinisan ng lugar. Mula Ozamiz at Dipolog ay baybay namin ang lugar na ito sakay ng ‘Lilian’ mini buses papuntang Pagadian. Bansag nga namin ay “Marlboro country” ito dahil sa alikabok na madadaan. Pero dito mo makikita ang kagandahan ng lugar dahil madadaanan mo ang mga ‘waterfalls’ ng Pulacan, Lison Valley, Baka, Lourdes, at Manga Falls.
Mamamangha ka sa pagka-gandang lugar na mga ito, na baka kalaunan ay masira lamang dahil sa panganib ng tambak na basura sanhi ng pag-unlad ng bayan at kawalang disiplina nang mga tao sa wastong pamamasura.
Tungkol sa kolumnista:
Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.