Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsProyektong ‘Maloleñong Maalam,’ inilunsad sa lungsod ng Malolos

Proyektong ‘Maloleñong Maalam,’ inilunsad sa lungsod ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal nang inilunsad nitong Huwebes (April 11) ang “Maloleñong Maalam”, isang media and information literacy program.

Ito ay isang kolaboratibong proyekto ng Malolos City Information office, Bulacan State University – College of Arts and Letters Journalism Students, at ng Smart G Malohenyo ng Deped Malolos.

Ayon sa naging panayam kay Regemrei P. Bernardo, puno ng dibisyon, ang “Maloleñong Maalam” ay naglalayong paigtingin ang kaalaman, kamalayan at kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag. Ito aniya ay sumasalamin sa diwa ng slogan nitong, “Alamin, Unawain, Makialam. Dahil Iba ang Maloleñong Maalam”.

Dagdag pa niya, na napakahalaga ng pagpapataas ng antas ng kaalaman, sapagkat ang susi aniya sa pagiging mapanuri, ang pagpapataas ng antas ng kaalaman ng isang indibidwal sa mga nakukuha at ibinabahaging mga impormasyon.

Pinalawak naman ni Nerissa Paguiligan, isang estudyante mula sa Bulacan State University – College of Arts and Letters, ang tungkol sa media and information literacy (MIL) na kung saan ay kaniyang binigyang pokus kung gaano kabilis ang paglaganap ng maling impormasyon dahil sa kakulangan sa kaalaman at pagsusuri ng maayos sa mga impormasyon mula sa iba’t ibang uri ng midya.

Tampok sa programa ang pagsasagawa ng kasanayan sa pamamahayag ng pangunahing tagapagsalita na si Rommel A. Ramos, isang kilalang stringer mula sa GMA 7.

Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa larangan ng pamamahayag, maging ang mga sumusunod na paksa: elements of news, news sources, facts of the news, at paggamit ng inverted pyramid sa pagsusulat ng balita.

Sa pagtatapos ay binigyang diin ni Ramos ang kahalagahan ng pagpapasa ng kaalaman sa pagbabalita at pamamahayag sa susunod na henerasyon.

Matapos ang lektyur ay sinundan ito ng isang workshop, na pinangasiwaan ni Rem “T-Rex” Faustino II, focal person ng Roving Radio Station, katuwang ang mga journalism students ng BulSU.

Ito ay nakatuon naman sa pag-apply ng mga natutunan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat ng dalawang uri ng balita, na kanilang gagamitin sa pamamahayag sa RRS sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook page ng MCIO.

Bilang pagtatapos, ang mga mag-aaral ay nakatanggap ng mga parangal katulad ng Best Script, Best Group, at Best News Writer upang bigyang pagkilala ang kanilang ipinamalas na galing.

Dumalo sa nasabing kampanya ang mga school paper advisers mula sa District 10 ng Malolos, Bulacan, mga magulang ng mga mag-aaral at ang principal ng Mabolo Elementary School na si Crispino Parule.

Inaasahan naman ang pagpapatuloy ng proyekto sa iba pang mga distrito ng DepEd Malolos. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments