HINDI pinaboran at handang ipaglaban ng Pamahalaang Panlalawigan ang naging desisyon ng Supreme Court en banc na may petsang 03 October 2023 na nag-aalis sa Dam water bilang national wealth, kabilang na dito ang national wealth tax.
Kung Kaya’t agad na kumilos at naghain ng Motion for Reconsideration (MR) sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alex Castro kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Supreme Court noong ika-11 ng Abril 2024.
Matapos ang nasabing paghahain ay nagbigay ng press statement ang punong lalawigan,aniya ” Ang patuloy na pakikihamak na ito ay patungkol sa ating karapatan sa biyaya ng katubigan ng Bulacan. This pertains to our “equitable share in the exploitation,development and utilization of our natural resources” tulad ng itinadhana ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at nakasaad sa Local Government Code of 1991(Republic Act 7160). Ang tubig ay kinilala ng 1987 Constitution bilang likas na yaman ng bansa sa Article 12, Section 2.
Malinaw din na nakasaad dito na, ” All lands of the public domain, waters, minerals, coal, prtroleum, and other mineral oils, all forces of potentials energy, fisheries, forest or timber, wildlife, flora and fauna, and other natural resources are owned by the State”.
Kaugnay nito ang Article 386 of the Implementing Rules and Regulations of the Local Government Code patungkol sa Share in the Proceeds from the Development and Utilization of the National Wealth.
Mariin din nakasaad na, “Ang mga LGU’s ay dapat magkaroon ng pantay na bahagi sa mga nalikom mula sa paggamit at pagpapaunlad ng pambansang kayamanan sa loob ng kani-kanilang mga lugar, kabilang ang pagbabahagi nito sa mga naninirahan sa pamamagitan ng direktang mga benepisyo”.
Sa kabila nito, pinuri ng mga Bulakenyo si Gob. Daniel, sa ginawa nitong agad na aksyon para ipaglaban ang karapatan ng mga mamayang Bulakenyo sa likas na yamang tubig mula sa mga bulubundukan ng Doña Remedios Trinidad hanggang sa Yungib ng Kasarinlan ng San Miguel, Bulacan. (UnliNews Online)