Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsMAG at PNP, matagumpay na samahan

MAG at PNP, matagumpay na samahan

TAOS pusong pinasalamatan ni P/Lt. Col Rey Apolonio, Chief of Police ng Pandi Police Station, ang Mayor ng Pandi na si Kgg. Enrico Roque, ang mga Miyembro ng Municipal Advisory Group (MAG,) ang mga Kawani ng Pandi PNP, ang iba pang kasapi ng MAC at mga alagad ng batas mula sa bayan ng Marilao at Norzagaray, Bulacan, na dumalo sa Joint Provincial Municipal Advisory Group Meeting, na ginanap sa Yolanda’s Place, Barangay Bunsuran 1st, Pandi town, Miyerkules ng umaga, ika-10 ng Abril, 2024.

Ayon sa kay P/Lt. Col Apolonio, ang nasabing pagtitipon ay kapupulutan ng ibat ibang proyekto na puwedeng i-adopt ng mga Municipal Advisory Group at ng kanilang mga kapulisan. “Para lalo pong matulungan ang programa ng kapulisan sa bawat bayan. Kung wala ang inyong mga suporta (MAC) kami pong mga kapulisan ay maghihirap, hindi makalalakad ng magisa, kaya kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyo, dahil na create po itong Police Strategy Management Unit (PSMU.)

Kung saan tinitignan ang performance ng bawat unit, at dito nakikita ang kulang sa mga dapat gawin ng kapulisan. Kung saan kayo na mismo ang nagbibigay ng tulay, bridges sa aming mga gawain. Labis kaming nagpapasalamat dahil itong PPSMU ng provincial office ay walang sawang bumababa, sa bawat station para tayo ay tugaygayan, at bigyan ng alalay kung paano isagawa o paano natin gagawin iyung mga bagay na maaring makatulong ating panunungkulan, o pagseserbisyo sa ating nasasakupan.

Kaya ang inyong lingkod bilang Hepe ng kapulisan ng Pandi, ay muling nagpapasalamat sa inyo sa ating Mayor Enrico Roque, ang Municipal Advisory Group ng Pandi at sa Provincial PSM Unit. Sa lahat ng kapulisan na nandito na sumusuporta sa adhikain ng ating organisasyon, para makapagbigay ng mas maganda pang serbisyo para sa kanyang nasasakupan, isang magandang hapon at maraming salamat po sa inyong lahat,” patapos ni Hepe Apolonio.

Dumalo sa nasabing okasyon ang mga miyembro ng MAG at tauhan ng PNP, mula sa bayan ng Marilao, Norzagaray at Pandi, Bulacan, sina: Pastor Jonet De Castro, Esmeraldo Esteban, Pat. Sarah Guinto, Pat. Jay March Rivera, Rome Corpus, P/Cpt Lydio Venigas, Pat. Apollo Villanueva, Pat. Dranreb Bautista, PSSg Rosmarie Daga, PSSg Michelle Miranda, P/Cpl Michael Mangalabnan, Adora Pineda, Rodolfo Turo, Angelina Auza, Amelita Cruz, P/Capt. Ericson Cruz, PEMC Reynaldo Dalizay, PEMC Jocelyn Dino, PCMS Jacqueline Haplic, PMSg Wenefredo Dalagan, Marites Antonio, Salvador Clores Jr., P/Cpl Meriam Barredo, Pastor Marlon Nebre, P/Lt Col Rey Apolonio at Katropang Vic Billones lll.

Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay ang MAG at ang PNP! Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments