IPINAHAYAG ni Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad ang kahandaan ng kanyang administrasyon na ipatupad ang Malolos City Road Map, dahil ito ang hamon ng makabagong panahon ng digital era.
Kamakailan ay isinagawa sa Ortigas Center ang paglunsad at turn over ng naturang road map sa pamamagitan ng Development Academy of the Philippines (DAP)-Center for Strategic Futures sa pangunguna ni CEO Majah-Leah V. Ravago.
Nauna nang sinabi ni Mayor Natividad sa mga mamamahayag ng Bulacan ang mahalagang konspeto ng Smart City tulad na lamang ng IT technology dahil napapadali ng sistema ng ito ang trabaho sa iba’t ibang sangay ng gobyerno sa iba’t ibang larangan tulad ng peace and order tulad na lamang ang paggamit ng close circuit television camera na may face recognition lalo na hanay ng ating kapulisan dahil nakatutulong ang gadget na ito sa mabilis na pagkilala sa mga kriminal.
Sa Smart City anya ay napabubuti nito ang makabagong sistema na Agri Voltaic. “Halimbawa na ang maliit na lupang agrikultural ng Malolos. Papaano ito magiging kapaki-pakinabang? Ang lupang taniman ay puwedeng lagyan ng solar panels na magpo-produce ng elektrisidad. Sa sistemang Agri Voltaic ay mapapakinabangan ang lupa sa magkasabay na paraan. Mapag-aanihan ay mapagkukunan ng kuryente sa pamamagitan ng solar energy” ani Natividad.
Isa rin anyang pakinabang sa information technology sa ilalim ng Smart City ay ang paggamit ng quick responce (QR) code dahil napabilis nito ang sistema ng magbabayad sa paraang cashless transaction. Sinubok na Anita ng kanyang administrasyon ang paraang QR code na kung saan ang pasahero ay nagbayad ng pasahe sa driver ng passenger (karatig) jeep. Itinapat lang ang QR code ng pasahero sa QR code ng driver ay nakapagbayad na ang pasahero ng hindi siya gumamit ng pera.
Dahil sa pagsisikap ng Malolos Information and Communications Technology Council, ay nabuo ang Smart City Road Map, na inilunsad kamakailan. Bago ito sumailalim muna sa isang Validation Workshop and foresight activity ang Malolos ICT council at nagbunga ito ng tagumpay kaya naman handang handa ang pamahalaang lungsod sa hamon ng pagbabago para sa makabagong teknolohiya.
Kaya naman pinasalamatan ni Mayor Natividad ang kolektibong determinasyon ng Malolos ICT council at sa mahalagang kooperasyon ng DAP para sa ikatatagumpay ng IT system sa pamahalaang lungsod upang matanghal ang Siyudad ng Malolos bilang Smart City. Hangan din naman ng mga mamamayan ng lungsod na maitulad ang Malolos sa Singapore, ang maliit na bansa sa Asia na unang Smart City.
“Sama-sama po tayo sa pagsulong ng isang matatag, maginhawa, at panatag na buhay,” pahayag ni Natividad. (UnliNews Online)