Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionDelubyo sa Dubai, maaaring mangyari sa bansa

Delubyo sa Dubai, maaaring mangyari sa bansa

NARANASAN ng Dubai ang di inaasahang lakas ng pagbuhos nang ulan na nagdulot sa pagbaha ng lugar at nagkitil ng nasa 20 katao sa Oman. Ito na ang tinatawag na ‘climate change’.

Dito sa Pinas ay nakakaalarma na ang sobrang init ng panahon, dati ay nasu-suspindi ang mga eskwelahan dahil sa bagyo at pagbaha pero ngayon ay suspendido ang mga klase kapag tinatayang aabot ito sa 42 degrees centigrade pataas.

Kamakailan ay nagbabala ang PAGASA na tataas pa ito sa antas nang init sa higit pa 51 degress centigrade. Nakakabahala na ang ganitong mga kaganapan at sa napipintong delubyong ibibigay nito sa mamamayan.

MATINDING buhos ng ulan naranasan sa Dubai, United Arab Emirates kamakailan lamang. Ang bahang ito ay nag-dulot sa pagkasawi ng tinataya sa 20 katao at ang sandaling pag-kakasara ng ekonomiya ng bansa. Makikita sa litrato ang mga sasakyang nalubog at inabandona dahil sa banta sa buhay ng mga drivers at sakay nito.

Isang phenomenon ang nangyari sa Dubai at marami ang nagitla sa mga pangyayari. Hindi na-anticipate ng bansa ang paglalagay nang tamang ‘drainage’ sa mga inprastraktura nito dahil na rin sa hindi nila akalain na mangyayari ang ganito kalaking pagbuhos nang ulan at hindi nakayanan ang pag-de-drain nito dahil sa kawalan ng tamang desenyo para pag- daluyan ng sobrang tubig dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Ang matinding pag-buhos ng ulan ay umabot sa 250mm na bagsak sa buong 24 oras at nilagpasan pa ang nakatalang ‘daily average rainfall’ sa nakaraang 75 na taon. Ang Dubai ay nakararanas ng 140-200 mm ulan kada taon at kadalasan ay tinataya ito sa 8mm hanggang 97mm kada buwan. Malaki ang naging epekto nito sa ekonomiya nang bansa, bukod sa mga nasawing buhay ay nag-sara at nag-kansela ng maraming flights ang United Arab Emirates sanhi ng delubyo.

Nangyari ang phenomenon na ito matapos makaranas ng sobrang init sa normal ang bansa dahil sa El Niño, na ang mas mataas na temperature ng dagat ay nagdadagdag ng mas maraming ‘moisture’ sa kapaligiran at nagdudulot ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa mga ‘scientists’ ang ‘cloud seeding na nag-mamanipula sa ulap na makagawa ng mas maraming ulan ay hindi sapat na dahilan ng pag-baha.

Naniniwala ang mga dalubhasa na ang ‘climate change’ ay galing na din sa ‘burning coal’, langis at gas na kalimitang gamit ng karamihang bansa. Ang siensya ay nagpapatunay na ang ‘global warming’ ay magdudulot ng matinding bagyo at lakas ng ulan, ayon kay Friederike Otto ng Imperial College London, “We are quite confident about the link to climate change. Studies by the IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change) show future increases in rainfall intensity in the region”.

Sa nangyaring kaganapan sa UAE at sa pagkasawi ng 21 katao at kasama ang 3 Pinoy na mangagawa dahil sa pag-baha ay magsilbing aral sa lahat ng mga mamamayan natin na maari ding mangayari ang ganitong kaganapan sa ating bansa at karatig.

Panahon na upang ibukas ang ating kamalayan sa sakunang maidudulot nito sa ating Kalikasan. Maging masigasig na isulong ang tamang pamamasura at pag-gamit sa mga responsableng bagay na tutulong sa tamang pamamaraan ng paggamit nito.

Panawagan sa ating pamahalaan lalo na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na paigtinging ang kampanya para sa ma-preserba ang tamang pag-aalaga sa kalikasan at isulong ang mahigpit na batas sa mga suwail at hindi tumutupad sa batas at prinsipiyong nakapaloob sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003).

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments