Sunday, July 7, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News1st Cong. Pleyto Cup 2024, sinimulan na!

1st Cong. Pleyto Cup 2024, sinimulan na!

Nina Verna Santos at Allan Roi Casipit

STA. MARIA, Bulacan — Pormal nang sinimulan ang kauna- unahang 6th District Cong. Pleyto Cup 2024 sa pangunguna ni Congressman Salvador “Ador” Pleyto na ginanap sa Fortunato F. Halili National Agricultural School (FFHNAS) kamakailan.

Ang isinagawang Cong. Pleyto Cup 2024 ay hinandog ni Cong. Ador Pleyto sa pakikipagtulungan ni PBA Party List Representative Atty. Migs Nograles para sa Districtwide Men’s Basketball at Women’s Volleyball Inter-Barangay Tournament mula sa Bayan ng Angat, Norzagaray at Santa Maria. Nakiisa din sina Angat Mayor Jowar Bautista, Santa Maria Mayor Omeng Ramos, Norzagaray Mayor Merlyn Germar, Bokal Arthur Legaspi at Bokal Jay De Guzman.

Bilang panimula masayang pumarada ang mga manlalaro ng bawa’t bayan na nagtapos sa nabanggit na paaralan na doon nagpakitang gilas naman ang kani-kanilang mga musa.

Nasungkit ang 2nd runner up ni Musa Bb. Diana Santos mula sa Barangay Niugan, Angat, Bulacan na nag uwi ng pitong libong piso.

1st runner up ang Barangay Bulak, Santa Maria na si Bb. Allanah Kate Tordilla na na nag uwi ng sampung libong piso.

At ang nag Champion naman bilang musa ay si Bb. Maria Fernanda mula sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan nag nagkamit ng halagang Php15,000.

Ang nasabing paliga ay pinagsumikapan maisakatuparan ni Cong. Ador Pleyto aniya, “ito ay aming itinatag upang mailapit ang lahat ng bayan sa ating distrito. Mailayo ang mga kabataan sa masamang bisyo at magsilbing daan ng magandang samahang pagkakaibigan”.

At ang team na magiging Champion ay pagkakalooban ng 100,000, 1st runner up 70,000 at sa 2nd runner up naman ay 50,000. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments