Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionBayan ng Angat, pinarangalan bilang ‘Most Improved Municipality’

Bayan ng Angat, pinarangalan bilang ‘Most Improved Municipality’

MULI na namang nakatanggap ng parangal at pagkilala ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamumuno ni Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista sa isinagawang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) na ginanap sa Quest Hotel, Clarkfield noong Huwebes (April 25).

Pormal na tinanggap ni Mayor Bautista ang parangal bilang 7th Most Improved – 1st and 2nd Class Category sa buong bansa.

Nakamit ng Bayan ng Angat ang nasabing parangal dahil sa patuloy na pagsusulong ng Asenso at Reporma sa nagdaang taon.

Simula nang maupo bilang punong bayan si Mayor Jowar at buong team ng “Jowarvin” ay nanatili ang pagkakaisa at mabuting pamamahala.

Kitang-kita ang malaking pagbabago sa nasabing bayan wika nga ng nakararaming Angatenyo, “Ang natutulog naming bayan ay biglang nagising at sumigla”.

Patunay lamang na ’di nasayang ang suporta at tiwala ng mamamayang Angatenyo sa ipinamalas na kahusayan ng kanilang mga inihalal na lingkod bayan sa sinumpaang tungkulin nito.

Ang mga pangakong binitawan noong panahon ng kampanyahan ay unti-unti ng nagkakaroon ng katuparan.

Mga dating pangarap lamang ng bawat Angatenyo na ngayon ay tunay na nagaganap sa Bayan ng Angat — ang umunlad, palaguhin ang ekonomiya at kilalanin hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan kundi maging sa buong bansang Pilipinas.

Ang bayan ng Angat ay patuloy sa pag-ANGAT.

Keep up the good work po Mayor Jowar at buong Sangguniang Bayan! (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments