Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionIka-341 taong pagkakatatag ng Bayan ng Angat

Ika-341 taong pagkakatatag ng Bayan ng Angat

MULING ipinagdiwang ng bayan ng Angat sa pamumuno ni Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista ang ika-341 Taong Pagkakatatag nito kaalinsabay ng kapistahan ng Viva Sta. Monica nitong nakaraang May 3 – 4, 2024.

Ayon kay Mayor Jowar, “Sa loob ng mga siglo, ang Angat ay naging isang buhay na larawan ng iba’t ibang kwento ng tradisyon, kultura at pangarap. Sama-sama nating hinarap ang mga hamon, sinungkit ang mga pagkakataon, at itinatag ang isang bayan na asensado at may bagong reporma.

“Ngayon, sa ating pagtitipon na may kagalakan, hagkan natin ang ating paglalakbay na may pasasalamat sa mga biyaya na ipinagkaloob sa atin at may panibagong pangako na itataguyod ang mas maaliwalas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon,” dagdag pa ng alkalde.

Hindi maitatago o maililihim na umusbong ang kaunlaran at kaginhawaan sa buhay ng bayan ng Angat sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ni Mayor Jowar Bautista. Sa kanya ring pamumuno umani ng pagkilala at parangal ang dating natutulog na bayan na ngayon ay kinilala, hindi lang sa lalawigan ng Bulacan bagkus sa buong kapuluan ng bansa ng Pilipinas. Tumatak ang Angat sa husay ng namumuno dito.

Ipinaaabot din ni Mayor Jowar ang ating taos-pusong pasasalamat kay Sta. Monica, na sa kanyang panalangin at biyaya ay ginabayan tayo sa bawat pagsubok at tagumpay. Nawa’y ang kanyang halimbawa ng pananampalataya, pagmamahal, at pagtitiyaga ay maging inspirasyon sa atin upang pag-ibayuhin ang ating pagsisikap at itaguyod ang mga halagang nagtatakda ng ating pagkakakilanlan bilang mga taga-Angat.

“Maligayang kapistahan sa ating dakilang bayan. Sama-sama nating isulat ang susunod na kabanata ng kasaysayan ng Angat na may tapang, pagmamahal, determinasyon at gabay ni Sta. Monica! Viva Sta. Monica,” ani Mayor Jowar. (Unlinews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments