PURSIGI, tiyaga at pananalig sa Diyos, ang mga iyan ang pinanghawakan ni Engineer Danilo Baylon, kaya niya nakamit ang tagumpay na tinatamasa sa kasalukuyan kaya naman bahagi ng Mission of Love Charity and Sharing the Word of God ng kanyang maybahay na si Apo Aniway Baylon na ipangaral ang mabuting balita ng Diyos, kalakip ang pamamahagi ng tulong sa kanilang mga kababayan na higit na nangangailangan.
Kamakailan ay isinagawa ang regular na misyon ng mag-asawang Baylon sa mga barangay ng San Carlos, Sto Rosario sa bayan ng San Luis, kung saan aabot sa humigit kumulang dalawang libo katao ang kanilang natulungang at nabigyan ng bigas, live chicken at frozen chicken. Ang mga benepisyaryo naman na mula edad otsenta hanggang nubenta anyos pataas ay binigyan ng tulong pinansiyal ni Engr. Baylon.
Bago ang pamamahagi ng ayudang bigas at manok sa mga benepisyaryo ay nagbahagi muna ng Salita ng Diyos sina Eng. Baylon at Apo Aniway. Kanilang ibinahagi kung papaano sila pinagpapala ng Diyos kaya naman ang mga blessings na kanilang nakamit ay kanila namang ibinabahagi sa mga nangangailangang mamamayan ng Pampanga kung saang mga bayan sa lalawigan sila nagsasagawa ng misyon.
Upang magbigay inspirasyon sa mga benepisyaryo lalo na ang mga kababayan nila na nawawalan na ng pag-asa sa buhay dahil sa kahirapan ay nagbahagi ng kanyang mga naging karanasan sa buhay si Engr. Baylon Sabi Niya: “Ako ay lumaki sa kahirapan, laking iskwater at nagtitinda-tinda sa bahay-bahay upang kumita ng kaunti para may pambili ng gamot para sa aking tatay na maysakit. At upang may maiulam ay nagtitiyaga akong maglimas doon sa pinak upang kahit pararak lang ay makahuli para may pang-ulam kami. Kung may nag-aani naman ng milon sa tumana ay hihintayin muna naming maani ang lahat ng milon at kung may natirang buraot ay noon lang ako makakain ng milon”. Ganoon umano niya nadama ang kahirapan.
Gumaling naman umano ang kanyang ama subalit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang ama ay naaksidente habang namamasada ng tricycle sa Baliwag. Dahil doon mag-isa na niyang itinaguyod ang kanyang pag-aaral. Hindi niya ikinahiya ang pagtitinda ng balot at penoy para qmay maipantustos lang siya sa kanya pag-aaral sa kolehiyo at kahit mumurahing sapatos ay hindi siya makabili. Kalaunan ay namasukan umano siyang security guard sa isang kumpanya
Dumating umano ang pagkakataon na sinubok na naman umano siya ng tadhana. Tinanggal siya sa trabaho bilang sekyu hindi dahil may violation siyang nagawa kungdi dahil marahil sa mga kasama niya roon na naiinggit sa maganda niyang performance. Sa Kabila niyon ay hindi siya sumuko at patuloy na nagsikap, nagtiyaga hanggang sa siya ay makatapos ng kolehiyo sa kursong engineering.
Kinasihan umano ng Diyos ang lahat ng kanyang sakripisyo, pagpupunyagi at higit sa lahat ang pananalig niya sa Diyos. Sa kasalukuyan ay silang mag-asawa ang mag-ari ng Danway Processing Corporation, isa sa mga pinakamalaking chicken industry sa Pilipinas. Ang bahaging kininita ng mag-asawang Baylon ay kanila namang ipinamamahagi sa mga mahihirap na mamamayan ng Pampanga at subok na sila sa kawanggawa lalo na noong panahon ng pandemya.
Noong nakaraang national at midterm elections ay pumalaot sa larangan ng pulitika si Engr. Baylon sa pagka-gobernador ng Pampanga, na ang pangunahing niyang layunin ay hindi ang kapangyarihan lamang o posisyon kungdi ang maitama ang lalawigan ng Pampanga sa landas nitong tinatahak ayon sa kalooban ng Diyos Ama.
Dahil siya naman ay naging public servant din naman bilang punong bayan ng bayan ng Candaba, nagbigay siya roon ng mabuting ehemplo. Hindi niya kinuha ang kanyang sweldo bilang Mayor kungdi ibinahagi niya iyon sa mga estudyanteng schoolars, sa mga senior citizen, solo parents maging sa indigent persons ng Candaba.
Hindi man pinalad na magwagi si Baylon, subalit sa kabila ng kanyang mapait na kabiguang naranasan sa larangan ng pulitika ay hindi doon natapos ang pagtulong nila sa kanilang mga kababayan. Ang milyones na pondong bayan ng Candaba ay nagamit ng maayos lalo na sa mga pagawaing bayan. Maging ang bahagi ng kanilang sariling kita sa kanilang kumpanya ay ibinahagi rin ng mag-asawa para sa bayan ng Candaba
Kaya nga sinubok niya umakyat ng posisyon upang kung siya ay palarin bilang punong lalawigan ay gawin din niya ang kanyang naging pamumuno noong alkalde pa siya ng Candaba. Wika nga ni Baylon, ang Diyos ay may mensahe sa kanya na muling pumalaot sa larangan ng pulitika upang ang mabuti at maka-Diyos na pamumuno ay maiparanas niya sa mga mamamayan ng Pampanga.
Kaya naman tutugunin umano ni Engr. Baylon ang vision na kanyang tinanggap sa Diyos upang sa 2025 ay muli niyang ihain sa kanyang mga lalawigan ang matapat na paglilingkod dahil ang matuwid na pamumuno ay buhat sa Diyos at ang pinunong walang anomang bisyo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos dahil ang Diyos ay mabuti. (UnliNews Online)