Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinion’Pinas problema ang malinis at ‘sanitized’ na tubig

’Pinas problema ang malinis at ‘sanitized’ na tubig

TINATAYANG 3 milyong populasyon sa bansa ang nasa panganib kada araw dahil sa paggamit ng maduming tubig. Mayroon namang 7 milyong Pinoy ang walang boses para isigaw ang pag-sasaayos at pag-papabuti sa mga serbisyong mapalinis ang daloy ng pinag-mumulan nito.

Kahit tumataas ang ekonomiya ng bansa ay hirap pa na matugunan ang problema sa malinis at sanitized na tubig para sa mamamayan ayon sa Water.Org, isang NGO na naglalayong maghatid ng ‘safe at sanitized’ na tubig sa buong mundo.

Sa ulat mula World Bank noong 2023, ang sanitasyon sa tubig ng bansa ay umaabot lamang sa wala pang kalahati ng kabuoang populasyon ng bansa ang naaabot ng benepisyo sa ‘piped water services’ o ang naka-tubo ang daloy ng tubig sa bawat tahanan.

Ang hindi Magandang ‘sewage’ sa mga kabahayan kasama na ang mga ‘industrial at agricultural waste’ ang mga pangunahing kuntributor sa polusyon sa halos 180 ng 421 ka-ilogan ng bansa.

Ang ganitong kalunos-lunos na sitwasyon ang nagpapalala sa kalagayan ng ating kababayan na hindi makakuha ng malinis na tubig-inumin bagkus ay nag-titiis na lamang sa bumili ng ‘bottled water’ na itinatapon din sa mga ka-ilogan at karagatan kalimitan. Ang ganitong siklo ng pamumuhay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng malaking problema sa pagdami ng basura at pagdumi ng mga ilog, lawa at dagat.

Sa dami ng naipasang batas na bawal na ang paggamit ng plastik sa mga ‘packaging’ at gawing supot sa mga ‘malls’ at tindahan, ay di pa din masawata ang patuloy na pagsuway ng karamihang mamayan dito sa ating bansa. Ating alalahanin na lumagpas na ang Pinas sa antas ng health standard ang polusyon sa tubig at hangin na banta sa kalusugan at maaring pagmulan ng sanhi nang sakit sa ating mamamayan.

Mga pamamaraan sa pagbawas ng basura

Gumamit ng ‘reusable bottle/cup’ para sa mga inumin sa ano mang oras ito ay kailangain. Kahit ang mga ‘malls’ ay nagbebenta na at uso ngayon ang mga nag-gagandahan ‘tumblers’ na ginagawang ‘image branding’ ang pagiging ‘ trends nito.

NAGSANIB pwersa ang Philippine Army (PA), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), ARESCOM (PA), Akbay Kalikasan/Project Luntian Cavite (AKESI) at iba pang Community servant ng Cavite para sa isang joint coastal clean -up drive na pinangunahan ni MAJ Artemio J Alosada (MI) PA, ARESCOM ng 402nd Community Defense Center kamakailan lamang sa Bgy Calabuyo, Tanza Cavite. Layunin ng pinagsanib na grupo na pangalagaan ang coastal lines ng probinsya sa pagdami ng kalat basura at bigyang diin ang pagpapalaganap ng impormasyon para ito ay ma-protektahan.

Magdala ng mga re-usable grocery bags gaya ng katsa eco-bags at bayong na kalimitan nang nakikita na sa mga mamimili at sa shopping malls ng bansa. Maraming desenyo ito na puedeng i-angkop sa lifestyle ng mga trend-setters.

Maging matalino sa pagbili ng mga produkto na puedeng ma-gamit pa o maresiklo kalaunan, 25% sa mga nabibiling produkto ay puedeng gawing compost o pataba sa lupa gaya ng pinagtabasang gulay, lamang -loob ng isda, balat ng itlog, sapa ng kape, dahon at iba pa. Iwasan ang mga disposables na gamit gaya ng plastik na kutsara at tinidor, baso at magdala ng mga puedeng hugasang gamit gaya ng mugs at set ng utensils.

Ang gawaing ganito ay malaki ang magiging ambag sa pagbawas sa pagdami ng basura. I-donate ang mga pinag-sawaang gamit at ipamigay sa charity institutions para magamit pa ang mga ito ay hindi ma- itapon. Bawasan ang paggamit ng papel sa resibo, mail, at mga basahing material gaya ng dyario at magazine.

Digital na ang approach ng karamihang retail stores at sa modernong opisina, mga paraang ganito ay angkop sa pagtitipid sa gastos at maiwasang magtapon ng maraming papel na basura.

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments