Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsLungsod ng Baliwag, kinilalang top performing LGU sa Bulacan

Lungsod ng Baliwag, kinilalang top performing LGU sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa kanilang pagpapakita ng dedikasyon sa pag-unlad at kahusayan, nanguna ang Lungsod ng Baliwag sa pamumuno ni Mayor Ferdinand V. Estrella sa Top Performing Local Government Unit sa Lalawigan ng Bulacan sa isinagawang pagpaparangal sa Top 10 Most Competitive LGU in the 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index – Provincial Ranking na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center nu’ng Monday (May 6).

Napagpasyahan ang rankings base sa assessment ng Provincial CMCI Technical Working Group sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang Chairperson nito at si Dir. Edna D. Dizon, Assistant Regional Director at Bulacan Provincial Director ng Department of Trade and Industry bilang Vice Chairperson, kasama ang iba pang mga miyembro nito mula sa iba’t ibang tanggapan.

Sinamahan si Fernando nina Bise Gob. Alexis C. Castro at iba pang miyembro ng TWG sa pagpaparangal kung saan ang mga nagwagi ay tumanggap ng plake ng pagkilala kabilang na ang Munisipalidad ng Marilao sa ikalawang pwesto; Santa Maria sa ikatlo; Guiguinto sa ikaapat; Lungsod ng San Jose Del Monte sa ikalima; Lungsod ng Malolos sa ikaanim; Plaridel sa ikapitong pwesto; Lungsod ng Meycauayan sa ikawalo; Pulilan sa ikasiyam at San Rafael sa ikasampung ranggo.

Dagdag pa sa kanilang provincial ranking, kinilala rin kamakailan ang Lungsod ng Baliwag bilang 3rd Overall Most Competitive LGU; nakamit ang ranking na 5th place sa Infrastructure, rank 8 sa Resiliency at rank 6 sa Innovation sa 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index in the Philippines (1st to 2nd Class Municipalities Category).

Samantala, kinilala rin ang Munisipalidad ng Angat bilang Top 1 Most Improved LGU mula sa dating ranggo na 398 at ngayon ay nasa ranggo 149 sa isinagawang pagpaparangal ng Top 3 Most Improved LGUs in the 2023 CMCI Provincial Ranking habang nakamit naman ng Doña Remedios Trinidad ang ikalawang pwesto mula sa dating ranggo na 402 na naging ranggo na 188 at Munisipalidad ng Bulakan naman sa ikatlong pwesto na mula sa ranggo na 407 ay naging ranggong 196. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments