Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionNagkape lang sa Mcdo, may libre pang chicken Coke at spaghetti. Thanks...

Nagkape lang sa Mcdo, may libre pang chicken Coke at spaghetti. Thanks GDRF

NITONG Miyerkules, May 8, 2024 ng umaga nagkayayaan kami ni Erwin Bunag, na magkape sa McDonald BSU branch. Sabi ni Erwin, sagot na niya ang kape dahil pangkape lang naman talaga ang badyet namin sa bulsa. Masarap kasing humigop ng brewed coffee sa loob ng air-conditioned room ng McDo store habang nagkwekwentuhan.

Alam ninyo mababaw lang naman ang kaligayahan ng mga mamamahayag na makapagkape lang ay masaya na kami at talaga namang pangkape lang ang laman ng aming mga lukbutan ng araw na iyon at wala kaming kamalay-malay na makakatanggap pala kami ng libreng food snack

Madali namang dumating ang order naming McCafe. Ako lang ang naglagay ng coffee creamer at sugar sa hot coffee cup. Gusto kasi ni Erwin ang mapait na lasa ng brewed coffee. Habang humihigop kami ng kape ay napansin ko na may pinamamahaging stub ang ilang staff ng McDonald.

Curious ako kaya tinanong ko ang babaeng tauhan ng fastfood store kung anong ang kanyang ipinamimigay sa mga tao. Sinabi sa akin ng babae na dalawang daang stubs ang ipinamamahagi nila. Hindi na ako sinagot ng staff ng MacDonald at binigyan na lang niya kami ni Erwin ng tig-isang stub at ng basahin ko ang nakalagay na title sa stub ay ito ang nakatatak: “Definitely Fun Birthday Bash”.

Pa-birthday daw ni Governor Daniel R. Fernando, ang 200 pieces na stub na kanilang ipinamahagi. Kaya sumunod na rin kaming pumila ni Erwin sa mga taong may hawak na stub. Bawat isa ay binigyan ng spaghetti at fried chicken. Regalo umano ni Governor Fernando ang libreng manok, spaghetti at Coke.

Heto ang siste, pagdating ko naman sa opisina ng Bulacan Press Club Inc., niyaya naman kami ni pareng Omar Padilla, ay kanyang sinabi na may pa-lunch daw si Gov. Fernando sa Bulacan Hiyas Convention, kaugnay ng kanyang birthday celebration. Pumunta naman kami sa Balagtas Hall. Naroon pala ang buffet food table kaya busog-lusog ang inabot ko ng araw na iyon

Kaya iyang swerte ay kusang dumadating ng hindi mo alam. Nagkape lang kami ay may matatanggap pala kaming libreng snack sa McDonald. Salamat po Governor Daniel R. Fernando, sa regalo mong food snack sa amin ni Erwin at sa masarap na pananghalian sa Balagtas Hall Hiyas Convention Center. Anyway happy birthday Governor Daniel R. Fernando. More birthdays to come. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments