NAKA-BIBIGHANI ang ganda ng Capul Island sa pagka-payak nito kumpara sa mga ibang lugar na aking nabisita kamakailan lamang. Inabot nang humigit kumulang sa 12 oras ang aming land trip, sakay ng van at dumaong sa port ng Matnog, Sorsogon.
Exciting din ang pag-sakay ng bangka patungo sa isla ng Capul. Inabot kami ng isang oras sa pagtawid sa gitna ng tahimik na alon ng dagat. Sinalubong kami ng habal-habal para maihatid sa aming tutuluyang resort.
Popular ang habal-habal sa lugar na ito na nagsisilbing ‘motorcycle taxi’ at kayang magsakay ng 4 hanggang 6 na pasahero. ‘safe at maayos ang pagkaka-desenyo nito at malaking tulong sa pamumuhay ng mga trike drivers ng isla.
Ang mga bankero ng lugar ay maituturing na mga bayani dahil sa sakripisyo na alalayan ang mga mananakay gaya ng mga senior citizens, buntis, bata at mga babae.
Alalayan sa mga mani-ubrang ma-sigurong maayos ang pag-lalagay ng angka at pagkaka-salansan ng bangka sa daungan nito. Hindi alintana ang pagod sa paglalayag basta magampanan lamang ng maayos at ligtas ang pasahero sa kanilang pag-lalalayag.
Diyalektong Inabaknon
Ang bayan ng Capul ay may 12 barangay at tinatayang may 12, 323 populasyon ayon sa datos ng Census-2020. At klasipikadong ‘5th class na isla sa probinsya ng Northern Samar. Isa sa mga pinag-mamalalki ng bayan ng Capul ay ang kanilang dyalektong ‘Inabaknon’ na kilala na Abaknon, Capuleño, abaknon sama, Kapul o Capul Sinama. Ang diyalektong ito ay halaw sa salitang Austronesian na ginagamit na salita sa Isla ng silangang rehiyon ng Bisaya. Isa itong ‘distinct dialect’ dahil sila lang na taga Capul ang gumagamit nito. Masarap itong pakinggan na para kang iniindayog sa huni ng ibon.
Ang Parola ng Capul
Kilala ang bayan sa kanilang Lighthouse na matatagpuan sa tuktok ng Titoog Point ng San Luis. Matarik ang lugar nito at tanaw na tanaw ang ganda ng lawak karagatan. Ang parola ay itinayo noong Spanish occupation at inayos ng mga Engineers ng American Army Corps. Sa tayog nitong taglay na 143 piye at may 40 piye na tower ay kitang-kita ang ganda at kinang ng karagatan ng San Bernadino Strait hanggang sa Pacific Ocean. Ang pass na ito ang nag-hihiwalay sa Isla ng Ticao mula Bicol Peninsula at nag-dudugtung sa Burias pass ng hilagang samar. Ito ay mayroong makitid na daluyan ng tubig at kumukonekta sa dalawang malalaking katawan ng karagatan.
Ang Capul Lighthouse ay deklaradong National Historical Landmark noong 2013. Itinayo ang parola sa isla noong ika 24 ng oktubre 2018 nang National Historical Commission of the Philippines (NHCP). Malakas ang palitan ng kalakalan sa Capul noong unang panahon na iyon dahil sa Spanish Galleon trade sa pagitan ng Pilipinas at Mexico.
Pagkasira ng Parola at ang banta sa pagkasira sa kalikasan
Nakalulungkot na Nakita ko ng malapitan ang parola at gusto ko lamang kalampagin ang ating Coast Guard CG ADM Ronnie Gil Latorilla Gavan, na-bigyan pansin ang pag-sasaayos ng Parola ng Capul dahil abandonado na ito. Sayang ang pinag-hirapan ng mga unang nangalaga sa edipisyong ito kung hahayaan lamang na mabulok dahil sa mga kinakalawang na istruktura ng parola. Mistulang ‘haunted’ ang itsura ng nito ngayon. Mabuti na lamang at gumagana pa ang ‘flashing lights’ na siyang nag-sisilbing giya ng mga mandaragat para sa kanilang maayos ng paglalayag. Paki-usap lamang po, ADM Gavan.
Ang ganda at alindog ng Capul bilang isang isla ay dapat na i-preserba. Malaki ang potensyal nito na dayuhin ng maraming turista sa kalaunan. Malinis ang daloy ng tubig sa bukal at naiinom ito ng mga taga-bayan at karatig. Ang nakikita kong dapat bigyan ng priyoridad ng lokal na pamahalaan ay ang banta sa pag-dami ng basura. Maging mapag-matiyag at bigyan ng tamang impormasyon ang mamamayan lalo na sa prinsipiyo ng disiplina sa pag-aayos ng tamang pamamasura. Ang RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay dapat din rebisahin ng MENRO ng bayan para maipamahagi ang importansya nito sa mga nasasakupan ng lugar.
Maraming salamat kay Mr. and Mrs. Pol and Lourdes Harder, Ms. Ester Bahm ng Reno – Nevada, at Marz Magloyuan and family sa kanilang hospitality at pangangalaga sa amin. Mabuhay po Kayo! (Online News)
Tungkol sa kolumnista:
Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.