HABANG pinapanood ko sa Social Media ang pagdinig sa Committee on Public Orders and Dangerous Drug, sa Senado, na pinamamahalaan ni Sen. Ronald Dela Rosa, ay tila nakakasakit lang ng ulo na makinig, ’eka ng magtataho na kausap ko.
Hindi ako nasisiyahan sa mga sagot ng tinatanong na tao at hndi ako kontento sa mga tanong ng mga nagtatanong, patuloy ni Mamang magtataho.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang pagdinig ng Senado na pinamumunuan ni Sen. Dela Rosa na kinasasangkutan ng PDEA, ay may kaugnayan sa imbestigasyon sa mga hindi pa nabeberipikang dokumento na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ilegal na droga.
Tanong pa ng ating kausap na magtataho, Katropa para ma-appreciate ko ang pagdinig sa Senado, bigyan mo nga ako ng tamang pagkakaintindi sa pagiging masaya at kontento.
Ano ba ang ilang pinakaimportanteng hangarin at malasap ng isang tao sa kanyang buhay, upang makamit ang kasiyahan at kaganapan sa buhay? Mahalagang maunawaan na ang dalawang estadong ito ay magkaiba ngunit magkaugnay na mga konsepto.
Ang kasayahan ay madalas na nauugnay sa isang pansamantalang pakiramdam ng kagalakan o kasiyahan na maaaring magbago batay sa panlabas na mga pangyayari o mga kaganapan.
Sa kabilang banda, ang kontento ay isang mas malalim na pakiramdam ng kapayapaan at kasiyahan sa buhay, anuman ang mga tagumpay at kabiguan na maaaring maranasan ng isang tao.
Ang sikreto sa pagiging masaya at kontento sa buhay ay nakasalalay sa pag-unawa sa pagkakaiba sa pagitan ng dalawang estadong ito, pagbibigay-priyoridad sa kasiyahan bilang isang pangmatagalang layunin, at paggamit ng mga estratehiya na nagtataguyod ng panloob na kapayapaan at kasiyahan.
Kaya posibleng ang kasiyahan na nararamdaman ng magtataho, sa pagdinig sa Senado ay may hangganan, hanggang sa siya nga ay maumay. Habang ang contentment na kanyang nadarama sa usapin ay pangmatagalang walang saysay at walang patutunguhang maayos na solusyon o kaayusan sa pagdinig. Iyan marahil dahil sa posibleng takipan, kampi-kampi at parti-patido. Isang pansamantala at pangmatagalang damdamin. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)