Friday, December 13, 2024
Amana Water Park
HomeVitaminSeaPagpapalalim sa mga kailugan ng Bulacan, gagampanan ng TCSC Corp.

Pagpapalalim sa mga kailugan ng Bulacan, gagampanan ng TCSC Corp.

NAGSAGAWA ng press conference kamakailan sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa capitol compound sa Siyudad ng Malolos, kung saan inanyayahan ng Bulacan Public Affairs Office (PPAO) ang mga mamamahayag ng Bulacan, at mayroon din namang ilang Manila-based reporter na inimbitahan sa nasabing pagtitipon

Isang paksa lang ang tinalakay tungkol sa complaint ng isang nagngangalang ‘Francisco Balagtas’ na naghain sa Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian laban kina Bulacan Governor Daniel R. Fernando, kay Vice Gov. Alexis Castro at sa Toreja’s Construction Supply Corporation o TCSC.

Ayon Kay Gov. Fernando, wala anyang basehan ang formal complaint ng complainant na nag-akusa na wala umanong Public Procurement Process ang isasagawang dredging operation o pagpapalalim ng Bulacan Offshore Delta at ng lima pang prayoridad na kailugan ng Bulacan.

Ayon pa sa gobernador katawa-tawa at hindi pinag-isipan ang isinampang reklamo laban sa kanila dahil hindi umano sakop ng Republic Act 9284 ang proyekto ng TCSC Corp. Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagbigay ng pahintulot na hukayin at palalimin ang nasabing mga katubigan at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nagbigay ng Environment Compliance Certificate (ECC) sa naturang korporasyon para nakapagsagawa ng libreng serbisyo.

Ang istorya umano ni a.k.a Francisco Balagtas ay ikinalat sa social media at may ilang national newspapers na pumatol sa nasabing istorya na ang may akda ay malayo umano sa talino at katuwiran ng bayaning si Gat Francisco Balagtas, kaya pinalalantad ni Gov. Fernando ang tunay na pangalan ng awtor at lumaban sa isang patas na pakikipagtunggali pati na ang mga tao na umano’y nasa likod ng nssabing akusasyon.

Ang papel lang umano ng Pamahalaang Panlalawigan ay ideklara ang priority river dredging zones, na kung saan ang TCSC Corp umano ang nagsagawa ng technological exploration na ginugulan ng daang milyon ng nasabing korporasyon. Samakatuwid walang partisipasyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa proyekto kaya walang dahilan para sila ay sampahan ng reklamo, ayon sa gobernador.

Bago ang media briefing ay may naisagawa ng kapahayagan para sa restorasyon ng mga bahaw na kailugan ng Bulacan na isinagawa sa EDSA Shangri-la na dinaluhan ng mga pinuno at mga opisyal ng lalawigan ng Bulacan, kamakailan. Inanyayahan din sa briefing ang PPAO accredited media. Sa presentation ay nalaman ng mga participants na magagawa palang solusyonan ang matandang problema ng baha sa Bulacan ng walang gagastusin ni isang kusing ang provincial government. Ano nga naman ang legal basis ng complainant kung hindi naman gagastos ang Pamahalaang bayan ng Bulacan?

Kaugnay ng nasabing media briefing, isang mamamahayag ang nagtanong kay Gov. Fernando kung pahihintulutan pa rin ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) wholly-owned subsidiary ng San Miguel Holdings Corp., na siya namang infrastructure arm ng San Miguel Corporation, na ipagpatuloy ang isinasagawang dredging sa kailugan ng Bulacan. Napag-alaman na may isang taon ng nagsasagawa ng dredging ang SMC sa kailugan ng Bulacan ng libre.

Sa Kabila niyon, may laya naman umano ang media na kapanayamin ang TCSC kung bakit sila ang pinahintulutang magsagawa ng libreng paghuhukay sa kailugan ng Bulacan ng government national agencies.

Napag-alaman din na sisimulan na ang proyektong Bulacan-wide Flood Control & River Restoration Program na sisimulan na sa susunod na mga linggo. Iyan ang binigyang diin ni DENR-Bulacan PENRO Emelits Lingat kasunod ng pormal na paglalatag ni Gobernador Daniel Fernando ang proyektong ito sa harap ng iba’t ibang sektor sa Bulacan. Aniya, dumaan sa tamang proseso ang proyektong ito alinsunod sa Department Administrative Order (DAO) 2020-07 kung saan ipinapaubaya na sa mga pamahalaang lokal ang pagpapalalim ng mga anyong tubig upang malaki ang water carrying capacity. Sa puntong ito, walang gagastusin ang Pamahalaang Panlalawigsn ng Bulacan para hukayin ang nasa halos 300 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura sa mga kailugan ng Angat, Malolos-Kalero, Pamarawan at ang Bulacan Offshore Delta o ang dalampasigan nito sa Manila Bay mula sa Obando hanggang sa Calumpit. (UNliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments