Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionElectric fan, tubig sa eskwela -- sa tindi ng init ng panahon

Electric fan, tubig sa eskwela — sa tindi ng init ng panahon

GINHAWA sa estudyante, guro, administrador, at magulang ang pagkaka-takda ng DEPED sa maagang bakasyon ngayong May 31 para sa school year 2023-2024. Dahil sa tindi ng init ay nagbago rin ang mga estratehiya ng mga opisyal ng departamento para gawin ang mga paraang maiwasan ang epekto ng sobrang init ng panahon sa pag-lalaan ng klase sa loob ng paaralan. Naging maagap din sa pagsunod sa direktiba ng departamento ang mga LGU sa pag-suspendi ng ‘face to face’ classes sa mga lokalidad nang dahil sa sobrang init ng panahon na dulot ng El Niño phenomenon.

Karamihan sa ating mga pampublikong paaralan ay kulang ang mga pasilidad gaya ng electric fans sa loob ng klase. Sa kasalukuyan ay may average number ng estudyante sa bawat klase na 40-70 mag-aaral. Siksikan sa loob ng kwarto at kung mayroon mang electric fan ay kalimitang may sira o nag-iisa lamang ito. Malimit na ang mag-aaral ay nakararanas na mag-kasakit dahil sa tinding init dulot ng panahon. Isama na natin ang mga guro, magulang at kawani ng paaralan sa mga pag-sasakripisyo sa ganitong kalagayan ng ating edukasyon sa bansa.

MALAKING ginhawa ang pag-tatakda ng Department of Education DepEd) sa mas maagang pagtatapos ng klase sa mga pampublikong paaralan sa darating na May 31 para sa school year 2023-2024. Sa pag-kakasuspindi ng ‘face to face’ ay umabot sa tinatayang 2.4milyon na estudyante ang gumamit ng modular distance learning o blended conduction of classes para maiwasan na maranasan ang tindi ng init sa loob ng klasrum. (File photo)

Sa tindi ng init na nararanasan sa buong bansa ay maraming mag-aaral ang nakararanas ng pagkahilo, sakit ng ulo, at pagka-himatay. Matatandaan ang nangyari sa Occidental Mindoro kamakailan na ilang estudyante ang nakaranas nang pag-kawalang-malay sa loob ng klase at ito ay nangyari sa iba’t ibang lokasyon sa probinsya ng Mindoro. Nagpalala pa dito ang pag-brown-out sa lugar.

Ang mga kasong ganito sa Occidental Mindoro ay nararanasan din sa ibang lugar ng bansa gaya ng Western Visayas na nakapagtala ng nasa kalahating milyong mag-aaral bago pa mag-suspinde ng face to face classes ang mahigit 1,000 paaralan. Sa paglobo ng bilang ng mga mag-aaral na apektado sa init ng pahanon ay mayroong 4,769 na paaralan ang nagsuspindi ng klase sa tinatayang halos 2.4milyon na estudyante at gumamit ng modular distance learning o blended conduction of classes kaysa maranasan ang tindi ng init sa loob ng klasrum.

Ayon sa survey ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-National Capital Region Union na dahil sa patuloy na epekto ng El Niño sa ating bansa, umabot sa 77% ng mga guro sa pampublikong paaralan ng NCR ang hindi na nakakayanan ang tinding init sa loob ng klase.

Sa pagbabalik sa kalendaryo ng bakasyon sa buwan ng Abril at Mayo ay maiiwasan ang tindi ng ‘summer heat’ o tindi ng init na manatili sa loob ng kwarto ng eskwela kung saan kahit tubig ay kulang sa pasilidad. Mantakin mo naman ang nararanasan ng ating mga guro at mag-aaral sa ganyang situwasyon ng mga pampublikong eskwelahan ng bansa.

Dapat ding mag-adjust sa requirement ng uniporme ang mga paaralan lalo sa ganitong tindi ng init. Ang ibang eskwelahan ay napakahigpit sa pag-suot ng uniporme na baka sa sobrang init ay magdulot pa ito ng ‘heat stroke’.

Sa budget na P924.7 bilyon nakopo ng Department Education (DepEd) ay walang dahilan para hindi mabigyang pansin at punuan ang kakulangan sa pasilidad ang mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa. Mga ‘necessities’ gaya ng sapat na bilang ng electric fans, drinking fountains, CR, at mga gamit at supplies sa bawat clinic ng paaralan.

Sana ay bigyan ng karampatang pondo at ilaan sa tama ang budget na ma-improve ang kalagayan ng estado ng edukasyon sa ating bansa lalo na sa estado ng pisikal na aspeto ng mga istraktura at pasilidad ng ating pampublikong paaralan para sa i-kagiginhawa ng ating mga guro, kawani at mag-aaral.

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

For comments and feedback, please write to email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments