Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNews‘Anomalya’ sa land conversion sa Bulacan, nabisto!

‘Anomalya’ sa land conversion sa Bulacan, nabisto!

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nabisto na ng ilang local government unit o LGU ang isang animo’y sindikato kung saan sangkot ang isang staff ng assessor at hepe ng assesor’s office ng isang bayan sa Bulacan sa ma-anomalyang transaksyon kung saan naiko-convert or naire-reclassify ang lupain sa pamamagitan lamang ng pagpapalit sa tax declaration ng hindi na dumadaan sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan.

Pinangalanan at itinuro ng isang testigo ang isang alias “Sakay” na umanong kumakausap sa mga assesor ng isang bayan gaya sa Bocaue, Bulacan kung saan mabilis na naiko-convert ang isang lupain sa pamamagitan ng pagpapalit sa tax declaration.

Batay sa salaysay ng testigo, tumatanggap diumano si Sakay ng halagang 100-150 per sq m bilang bayad sa conversion na ang sakop ay ang bayad pati hanggang provincial level na maaaring ang tinutukoy ay ilang bokal sa Sangguniang Panlalawigan at Provincial Assesor.

Kapag napatunayan ang tinutukoy na anomalya sa land conversion ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Ombudsman ang mga taong may gawa nito.

Si Sakay umano at ang ilang kasabwat nito ay inaasahang mahaharap sa patong patong na kaso ng graft sa ombudsman.

Sa kasalukuyan ay inaalam na ngayon ng kinauukulan kung sinu sino ang mga kasabwat sa naturang iligal na transaksyon sa lupa.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments