Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionWarning sa madla sa parating na La Niña

Warning sa madla sa parating na La Niña

PINAGHAHANDA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang ating mga kababayan sa nalalapit na tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto ngayong taon. Ayon sa PAGASA, mas maaga ang pagdating ng tag-ulan na maa-aring humantong sa La Niña.

Ang phenomenon na ito ay kabaligtaran ng El Niño na kung saan ay magdudulot ito ng malalakas na pag-buhos ng ulan at ang hampas ng hangin nito ay hindi pangkaraniwan sa ordinaryong bugso nito na magiging sanhi ng ‘landslides’ at pag-baha.

Sa forecast na ito ay nakabantay maigi sa pagmo-monitor ang PAGASA. Dagdag pa nito na ang La Niña Watch ay may tinatayang 55 porsiyento na dadating at tatagal pa ng 6 na buwan.

INILILIKAS ng mga rescuers ang isang bata sa panganib ng matinding ulan at pagbaha noong kasagsagan ng ulan sa bansa. Matinding ulan at pagbaha na posibleng pag-mulan ng landslides ang sanhi na maidudulot ng La Nina phenomena. (File photo)

Ang La Niña ay sanhi ng paglamig ng El Niño Southern Oscillation (ENSO) o ang kaganapang phenomenon sa klima at tubig mula Pacific region. Mapapansin din ang pagka-dalang ng pag-ulan sa nalalapit na La Niña sanhi ng nararanasan natin sa kasalukuyang El Niño.

Sa maagap na pagpapakalat ng impormasyon ang PAGASA, na mabigyan ng warning at pag-handaan ng ibang ahensya ng pamahalaan ang banta sa nalalapit na La Niña ay maaring pag-ipunan na nang mga ito ng gamit at tamang antas ng ‘training’ sa pag-responde sakaling maging isang delubyo ito sa ating bansa. Bagama’t hindi ito ‘fool proof’, ay mas ayos na ito at may inaasahang madudukot kung sakali mang kakailanganin ito.

Pinag-iingat din ang publiko na maging handa sakaling danasin ang lupit ng La Niña sa magiging epekto nito at gumawa ng mga hakbangin para maka-iwas sa sakunang maidudulot nito.

Sa nakaraang dalawang dekada ay nakaranas ng matinding tag-tuyot at hindi inaasahang pag-baha ang bansang Pilipinas dahil sa climatological phenomena ng El Niño at La Niña. Ang El Niño ay kalimitang nararanasan kada 5 taon at hindi kadalasan ang La Niña.

Halimbawa, na-obserbahan sa India at Indonesia ang kaunting pag-ulan na mababa sa normal na antas kung pagbabasehan. Kapareho sa naunang obserbasyon ang mga bansang Australia at Brazil.

Nagtala naman ng malalakas na pag-ulan at lagpas sa inaasahang normal na antas ang mga bansa gaya ng Peru, Equador at Sri Lanka. Sa timog – silangang Asya, ang dalas ng bagyo ay apektado rin sa indikasyon ng parehong phenomena.

Ang paghahanda sa mga ganitong kaganapan ay nakasaad sa Executive Order (EO) No. 53, Reconstituting and Reactivating Task Force El Niño at isinama na din dito ang preparasyon para sa La Niña.

Layunin din ng batas na ito na i-monitor ang mga lugar na bahain at mabababang lugar ng bansa. Ang ganitong paghahanda ay para maiwasan ang anumang sakuna sa ating kababayan, pagkawasak ng ari-arian, pagka-sira ng mga pananim at kawalan ng hanapbuhay sa karamihan.

Kung pagbabasehan ang epekto ng El Niño phenomenon ay nalugi ang agricultural sector ng bansa sa tinatayang 1.2 bilyong peso.

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

For comments and feedback, please write to my email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments