Wednesday, November 13, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulakenya, wagi bilang Miss Universe Philippines 2024

Bulakenya, wagi bilang Miss Universe Philippines 2024

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinatunayan ng Bulacan na ito nga ang “Tahanan ng Magagandang Dilag” sa pagtatagumpay ni Chelsea Anne Manalo, isang Bulakenya mula sa Lungsod ng Meycauayan, laban sa 52 kandidata at pag-uwi ng pinakaaasam na korona ng Miss Universe Philippines 2024 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nu’ng Miyerkules (May 22).

Maliban sa titulo, wagi rin ang 24 taong gulang na dilag ng Miss Jojo Bragais special award.

Pinasalamatan ng bagong korona na Miss Universe Philippines ang kanyang pamilya, handler, make-up artists, at mga taong sumuporta sa kanya mula sa simula ng kanyang paglalakbay kabilang si Gobernador Daniel R. Fernando.

Sa ginanap na Top 5 question-and-answer portion ng pageant, tinanong si Manalo kung paano niya gagamitin ang kanyang mga katangian kabilang ang kagandahan at kumpiyansa upang palakasin ang ibang tao.

“As a woman of color, I’ve always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards, but for me, I have listened and always believed in my mother. To always believe in yourself. Uphold the vows that you have in yourself. Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have 52 other delegates here with me who helped me become the woman I am,” sagot niya.

Bumuhos sa social media ang mga pagbati para sa Bulakenyang reyna mula sa mga proud na Bulakenyo.

Kakatawanin niya ang Pilipinas sa entablado ng Miss Universe sa Mexico at susubukang sungkutin ang ikalimang titulo para sa bansa. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments