TUMAAS kamakailan ang bilang ng mga reklamo online ng mga nabiktima sa ‘get rich quick’ business at online shopping scams. Talamak ang presensya ng mga nag-aalok ng produkto at mga seminars para sa mga bagong Negosyo na may maliit lang na puhunan lamang at ang mga nago-goyo sa on-line shopping na iba ang dumadating na produkto na inorder nila at iba sa expectations ayon sa naka-post na binebenta.
Tinatayang may $2.8 million ang na-i- scam na Pinoy shoppers noong 2023. May mga kasong pakikipag-deal sa nagbebenta ng electric drum set, pero iba ang mga dumadating pag-katapos ma – proseso ang transaksyon online.
Sa pagkakaroon ng FB page o ibang pang plataporma sa social media ay nagkaisa ang mga naging biktima at sila ay nakibahagi sa pag-lalahad ng kanilang mga naranasan sa SCAMMER ALERT PH para mabigyang babala ang mga tao sa mga scam na nagkalat sa social media.
Ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), Mr. Alexander Ramos ay maraming tao ang mabilis maniwala sa mga maling pangako ang mga Pinoy buyers kahit na ito ay “too good to be true” at nagbabala na kilatising maiigi ang mga nag-po-post ng mag alok na produkto at sebisyo sa on-line o social media bago magbitaw ng pera at mamuhunan.
Magaling mang-enganyo ang mga scammers sa social media, papapasukin ka muna sa iskema nila at aalukin ng kunwa’y malaking tubo sa investment na iyong ibibigay.
Mangangako ang mga iyan na madaling lalago ang iyong maliit na puhunan pero kalaunan ay malulugmok ka na sa ka-lalabas ng iyong perang pampuhunan.
Kung sa produkto naman ay halos kalahit ng presyo ang alok ng kanilang binebenta kumpara sa mga commercial na establishments pero basura pala ang ma-tatanggap pagka-deliver.
Ayon sa 2023 Asia Scam Report, mataas ang numero ng mga na – scam sa Pilipinas kumpara sa mga karatig bansang Asya kasama ang Vietnam, China, Thailand, Taiwan, HongKong, South Korea, Japan, Singapore, at Indonesia.
Ang Pilipinas ang nanguna sa antas na 35.9% kasunod ang China sa 27.2% at pinakamababa naman ang South Korea sa 4.2% mula sa ng Global Anti-Scam Alliance (GAS) at sa Gogolook ng Taiwan, na may 20,000 respondents-survey.
Bihasa ang mga scammers na tukuyin at malaman kung sino ang may mataas na interest sa online shopping engagement at lumabas na ang mga pinoy ay mahilig sa on-line transactions.
Isa pa sa dahilan kaya ang tumaas ang bilang ng biktima ng online shopping sa consumers ng bansa ay dahil sa kakulangan sa ‘cybercrime awareness’ na propaganda ang pamahalaan.
“Although (Filipinos) are considered very connected and digitally wired, (they) do not have adequate digital literacy skills,” ayon kay Mark Manantan, director of cybersecurity and critical technologies at the Pacific Forum in Hawaii.
Mula sa survey ay lumabas na ang Pinoy ang madaling ma-loko ng mga online scammers dahil sa tiwala at madaling mahikayat. Hanggang ngayon ay wala pang sapat na kakayahan ang bansa para masawata ang naglipanang cybercrimes lalo na sa social media scammers na nagkalat sa internet.
Kaya mag-ingat at maging mapag-matyag sa mga nadadaan na potensyal na manloloko sa social media, ika nga ay ‘THINK BEFORE U KLIK”
Tungkol sa kolumnista:
Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.
For comments and feedback, please write to my email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com (UnliNews Online)