Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionOnce upon a time in Morong beach of Bataan

Once upon a time in Morong beach of Bataan

MULI naming binalikan ang dinarayong beach ng Morong, Bataan upang doon iselebra ang 60th birthday ng aking maybahay. Dahil peak season pa, ang mga beach resort na aming binabalik-balikan sa Morong ang LaFreza, Gold Coast at Jet Coast pero fully booked na ang mga iyon nang pumunta Kamin kamakailan kaya sa East West Bahay Kubo Resort kami nanuluyan.

Estilong bahay kubo be ang mga room ng East West Resort. Sawali ang dinding at pawid ang bubong. Ang loob ng room na aming tinulungan ay hindi naman purong sawali kungdi double walled ng plywood upang mapanatili ang lamig ng kwarto kapag nakabukas ang aircon.

Ang karaniwan na nakakasama namin sa outing ay ang aking mga bayaw at mga hipag. May ilang family friends din namang nakiki-join sa aming mga lakad. Nitong huling bahagi ng buwan ng Mayo ay muli kaming gumala sa Morong beach kaugnay ng birthday ng aking misis.

Sa aming pagdayo sa Morong ay may baon na kaming lutong ulam tulad ng menudo at paksiw na isdang bangus. May baon din kaming pakwan at hinog na mangga. Sa pagsapit naman ng gabi, naroon ang kantahan sa bawat umpukan ng mga guest. May kani-kanyang dala ng portable bluetooth speaker at ang masaklap, walang restriction na ipinatutupad ang mga kinauukulan sa lugar na na napuntahan namin, kaya magdamag ang kantahan ang aming naririnig.

Kapag ganitong panahon ng tag-init apektado rin ang klima ng tubig-dagat. Mainit din ang tubig ng dagat kaya hindi ka giginawin. Iba talaga kung humatak ng turista ang bayan ng Morong dahil ito ay isang coastal town na malapit sa Kamaynilaan kaya madaling puntahan.

Natatandaan ko pa noong buwan ng September ng nakaraang taon nang dayuhin namin itong beach ng Morong. Dahil hindi peak season noon, kakaunti lang ang guest sa bawat beach resort. Ang halaga ng room na sampu katao ang capacity na aming nirentahan ay siningil lang kami ng three thousand pesos (P3,000.00) para sa 24 oras na pamamalagi.

Pero ngayong peak season, ten thousand pesos (P10,000.00) na ang halaga ng dating room na aming inarkila. Kaya kung gusto ninyo ng mababang halaga ng resort rooms, huwag dadayo sa Morong kapag peak season. Kaya lang, mas maraming turista ang gustong dumayo sa beach tuwing summer season dahil na rin sa tindi ng init ng panahon.

Nito ngang May 25, 26 ay bahagyang naramdaman dito ang epekto ng unang bagyo sa huling bahagi ng summer season. Bahagyang pag-ambon kaming naranasan sa lugar ng tourist destination at ito na rin marahil ang hudyat ng papalapit na rainy season kaya folks, paghandaan naman natin ang nalalapit na La Niña, panahon ng siyam-siyam na pag-ulan, ng bagyo at baha. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments