Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeLifestylePeople & CommunityBandang Eagles, the best pa rin sa Music Lovers

Bandang Eagles, the best pa rin sa Music Lovers

Ni Manny C. Dela Cruz

HANGGANG sa kasalukuyan nitong digital era ay lalo lamang sumikat ang mga awitin ng musical group na Eagles. Dekada 80 nang sumikat dito sa Pilipinas ang mga kanta ng Eagles at ang pinasikat na awitin ng nasabing banda na madalas tugtugin sa gigs ng mga banda ay ang Hotel California.

Noong ako ay sumasama pa sa isang banda sa aming lugar, ang mga pondo naming kanta ay pawang soft rock at rock ‘n roll. Ang kantang “Hotel California”, ang madalas hilingin ng audience na aming kantahin. Nakakatugtog din naman kami sa night clubs at kapag may audience na nag-request ng kantang “New Kid in Town” ay sa akin itinotoka ng aming grupo ang kantang iyan.

Si Don Felder, ang hinahangaan kong lead guitarist ng Eagles, ang guitarist na malimit gumamit ng double neck electric guitar. Gumagamit din naman ng single neck electric guitar si Felder. Sa isang concert ng grupo ay single neck guitar ang ginamit niya at ka-tandem niya sa pag-adlib sa bahaging interlude ng nasabing pop song ang gitaristang si Joe Walsh.

Alam ba ninyo na hindi madali na isipra ang parteng instrumental ng kantang Hotel California? Totoo yan. Dahil hindi lang Isang lead guitarist ang nag-perform ng instrumental adlib ng awiting iyan kungdi pinagtulungan nina Don Felder at Joe Walsh, na kumbaga sa kanta ay mayroong first voice at second voice. Si Felder ang tumipa ng first voice at si Walsh ang tumipa ng second voice

May mga kuro-kuro pa na naglabasan noon na ang kantang Hotel California umano ay kantang papuri sa relihiyong satanismo dahil umano sa mga misteryosong lyrics ng nasabing kanta. Dahil sa nasabing mga paratang na wala namang sapat na basehan, lalo namang naging kontrobersiyal ang nasabing kanta kaya naman sumikat nang husto at hanggang sa panahong ito ay tinatangkilik pa rin ng music lovers ang Hotel California.

Kung sa taas ng boses naman ang pag-uusapan, taglay ni Don Henley ang mataas na pitch. Iba ang timbre ng kanyang boses kaya siya ang kumanta ng Hotel California. Ito namang si Glenn Frey, ay medyo mababa lang ang timbre ng kanyang boses. Siya ang bokal ng kantang ” The New Kid in Town” . Si Glenn din ang umawit ng solo record na “Lover’s Moon”, na hanggang sa kasalukuyan ay palaging inaawit ng mga music enthusiast sa videoke maging sa live band.

Pero iba rin naman ang hatak sa fans ni Timothy Schmit. Siya ang bass guitarist ng Eagles, at si Schmit din ang performer ng kantang “Love will Keep Us Alive”. Walang kamatayan din ang kantang iyan at madalas na awitin sa videoke lalo na kapag may mga pagtitipon tulad ng birthday celebration at iba pa.

Kung napanood ninyo ang isang concert ng Eagles, kung saan ay inawit ni Schmit ang Love Will Keep Us Alive, napakaswabe naman ng pagkakabanat ni Felder sa instrumental part ng kanta. Wika nga, simpleng rock. Ganyan kahusay si Felder kaya naman maraming musicians lalo na ang mga gitarista ang umiidolo Kay Felder. Isa pa, napakalinis nilang umawit at tumugtog sa live concert. Wika nga, parang actual recording talaga.

Halos lahat ng awitin ng Eagles ay nag-hit sa lahat ng music billboard sa America, tulad ng Desperado, The Best of My Love at iba pa. Noong aktibo pa ako sa pagbabanda o pagko-combo, ang most requested songs ng mga audience tuwing mag gigs kami ay ang Hotel California, New Kid in Town at ang Love Will Keep Us Alive. Noong ako ay nasa edad kabataan pa, mataas ang pitch ng aking boses kaya kaya kong abutin ang taas ng boses ni Don Henley, kaya nakakanta ko ang Hotel California.

Sa kasalukuyan ay buo pa rin naman ang Eagles. Kaya lang, wala na si Glenn Frey. Namatay siya noong 2016 at si Don Felder naman ay napahiwalay na rin sa grupo. Ang mga nagpapatuloy na members ng Eagles ay sina Don Henley Joe Wal Timothy Schmit, Vince Gill at Deacon Frey. Si Deacon ay anak ni Glenn Frey.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments