Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsAng pagpapahalaga ni Mayor Roque sa isang 85 anyos na lola

Ang pagpapahalaga ni Mayor Roque sa isang 85 anyos na lola

PATULOY ang serbisyo sa mga Bulakenyo nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ng kanilang pangunahanan ang pamamahagi ng mga sako ng bigas, food packs, emergency at hygiene kits at P10,000 pinansyal na tulong sa may 48 na pamilya, na inilikas sa kanilang mga tahanan bunsod nang paglabas ng usok sa lumang open dumpsite na matatagpuan sa Barangay Citrus, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay ang matutulunging Lingkod bayan na sina Gov. Fernando at VG Castro!

At dito naman sa Bayan ng Pandi, isang 85 anyos na lola ang nakapagtapos ng pag-aaral sa ALS, kamakailan, Siya si Nanay Maria ng Bagong Baryo, Pandi Bulacan.

Sa talumpati ni Pandi Mayor Enrico Roque, narito ang ilan sa kanyang sinabi patungkol kay Nanay Maria: “ Gusto kitang yakapin, gusto kitang halikan, gusto kitang ipagmalaki sa lahat ng tao sa mundo. Isa kang inspirasyon, dahil pinatunayan mo na kahit kailanman ay hindi hadlang ang edad para makapagtapos ng pagaaral, at abutin ang ating mga pangarap. Congratulations po Nanay Maria, at sa lahat ng ating mga ALS graduate.”


Muling paala-ala sa away sa kalsada o road rage

Minsan ay naisulat na natin ang ilang dapat gawin ng mga may alitan sa kalsada o road rage. May napabalitang ganoong pangyayari na humantong sa kalunos-lunos na pangyayari. Ayon sa nakalap nating balita, ang alitan ay nagresulta sa pagkamatay ng isang 65-anyos na lalaking family driver, na nagpapatakbo ng puting Toyota Innova. Kasama niya ang isang 47-anyos na babaeng kasambahay at isang 7-anyos. bata, na kapwa nakasaksi sa insidente. Ang insidente ng road rage at pamamaril ay naganap malapit sa Ayala Southbound Tunnel sa Barangay Urdaneta, Makati City, kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang ganitong pangyayari ay hindi na dapat pang maulit. Muli bilang karagdagan sa mga paala-ala upang maiwasan ang road rage ay narito ang mga dapat gawin:

Magsanay ng Magalang na Kaugalian sa Pagmamaneho: Iwasan ang pagbuntot, cutting off sa iba pang sasakyan, pagpapabilis ng takbo, paghabi, matagalang pagtutok ng mga high beam na headlight, at pauntol-untol na pagpepreno. Palaging maging magalang. Manatiling Kalmado at Iwasan ang Provocation: Kung makatagpo ka ng mga agresibong driver, magdahan-dahan at hayaan silang dumaan. Huwag gumawa ng mga bastos na kilos o sumisigaw.

Panatilihin ang Distansya: Kung napansin mo ang agresibong pag-uugali mula sa ibang driver, gumawa ng distansya sa pamamagitan ng pagbagal o pagpapalit ng mga linya.

Matipid na Gumamit ng Horn: Ireserba ang paggamit nito para sa mga emergency lamang. Iwasan ang Confrontation: Sa halip na harapin ang mga agresibong driver, iulat sila sa mga awtoridad sa pamamagitan ng road rage hotlines.

Humingi ng Paumanhin para sa Mga Pagkakamali: Kung nagkamali ka sa pagmamaneho, humingi ng paumanhin nang nakangiti o kumaway.

Responsableng Magmaneho: Iwasan ang pagmamaneho sa ilalim ng pagkabalisa o kapag galit, galit, o inaantok. Ayusin ang Saloobin: Bigyan ang ibang mga driver ng benepisyo ng pagdududa at unahin ang kaligtasan kaysa sa pagsalakay.

Magkaroon ng Makatotohanang Mga Inaasahan sa Paglalakbay: Magplano nang maaga para sa trapiko at iwasan ang pagtatakda ng mga hindi makatotohanang layunin sa oras ng paglalakbay.

Humingi ng Tulong kung Nanganganib: paingayin ang Horn nito, humingi ng tulong sa mga taong nasa paligi. Gamitin ang celpon. tumawag sa numero ng pulisya, kung inaatake ng isang agresibong driver. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments