LUNGSOD NG MALOLOS — Naging matagumpay ang isinagawang graduation rites o pagtatapos ng mga mag-aaral sa Kinder at Grade 6 sa Caingin Elementary School kamakailan.
Mababanaag sa mga ngiti ng mga magtatapos na estudyante ang saya at kaba dahil natapos na nila ang unang hakbang upang magkaroon at mabuo ang isang maganda at maunlad na hinaharap.
Sa magandang pamumuno at dedikasyon na ipinamalas ni Gng. Ana U. Ramos bilang prinsipal, nabigyan nito ang mga graduating students ng matibay na pundasyon para harapin na matatag ang mas masalimuot pang buhay sa hinaharap.
Sa kabila ng mga problemang kinaharap ng naturang eskwelahan sa nagdaan school year, nais pa rin ni Gng. Ramos na madagdagan ang mga mag-aaral at mas mapaganda ang paligid ng Caingin Elem. School.
Naging magandang ehemplo rin sa mga graduating students ang naging karanasan na ibinahagi ni Engr. William Brian Lati noong siya ay dating estudyante ng nasabing eskwelahan.
Hindi naging madali ang naging buhay estudyante ni Engr. Lati na sa kasalukuyan ay Trade Promo and Merchandising head ng San Miguel Brewery Inc.
“Sinikap kong mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang buhay sa kabila ng kahirapan namin sa buhay. Itinatak ko noon sa aking murang kaisipan na hindi magiging hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa hinaharap,” ani Engr. Lati.
Sinabi naman ni Kapitan Robin Cruz sa kanyang maikling pananalita na suportado niya anuman ang magiging aktibidades ng naturang eskwelahan sa mga susunod na school year.
Sa kabila ng naranasan nating epidemya dulot ng Covid-19, muling naisagawa at napagtagumpayan ang katatapos lang na graduation rites dahil na rin sa pagtutulungan ng mga magulang at mga guro sa pangunguna ni Prinsipal Ramos.
Salamat sa mga guro na naglaan ng oras at panahon upang maisagawa ang “Pagtatapos 2024” ng mga mag-aaral na nasa antas ng Kinder at Grade 6.
Kinder: Mrs. Arlene M. Robinson
Grade I: Mrs. Editha C. Baraquio at Mrs. Arianne DG. Punzalan
Grade II: Mrs. Natalia D. Arcega at Mrs. Romina D. Culala
Grade III: Mrs. Marcela S. Dela Pena at Mrs. Ma. Santa S. Reyes
Grade IV: Mrs. Jane Q. Ignacio at Mrs. Leonila M. Punzalan
Grade V: Mrs. Genina J. Poblete at Mr. Nino M. Ignacio
Grade VI: Mrs. Julieta Q. De Guzman, Mrs.Jan Angel M. Velasco, Miss Michelle M. Payangayong, Ginoong Rafael F. Giga at Mrs. Karen B. Cruz
Principal: Mrs. Ana U. Ramos
(UnliNews Online)