Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeBadjao, distinctive Indigenous People

Badjao, distinctive Indigenous People

Ni Manny C. Dela Cruz

DITO sa Pilipinas ay maraming indigenous tribes. Huwag na tayong lumayo dahil dito sa Bulacan ay andito ang tribong Dumagat, at sa kalapit nitong lalawigan ng Pampanga ay naroon ang mga katutubong Aeta, na ayon sa mga kasaysayang nasulat ay sila ang mga unang tao sa Pilipinas, sa parte ng Central Luzon.

Sa usaping katutubo, mayroong mga stranger tribe na nakikita sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan. Hindi sila kulot at pawang mga unat din ang kanilang mga buhok. Ang kanilang balat ay katulad din nating mga Tagalog, na kulay kayumanggi.

Sila ang Badjao people na tinawag ding “Sea Nomads” dahil sa kakaiba nilang katangian na wala sa alinmang grupong katutubo sa ating bansa.

Ang isang katangian ng Katutubong Badjao, ay ang kanilang skill sa pagsisid sa kailaliman ng dagat ng walang proper diving equipment. Ayon sa isang nalathalang artikulo kaya umano ng maninisid na Badjao na manatili sa ilalim ng dagat sa loob ng higit sa sampung minuto sa lalim na 60 talampakan o 18 metro.

Taglay ng mga Badjao ang kakaibang physiological adaptations. Napakatibay ng kanilang mga eardrum sa Kabila ng malakas na pressure ng tubig sa malalim na parte ng dagat. Ayon sa health experts ang mga Badjao ay biniyayaan ng Diyos ng kakaibang spleen o lapay, na magsisilbing tangke ng oxygen sa loob ng kanilang mga katawan upang tumagal sila ng mahigit sampung minuto sa ilalim ng tubig.

Nagagawa nilang humuli o manibat ng isda at pugita sa malalim na bahagi ng dagat dahil sa espesyal na kakayahan ng Badjao na manatili ng matagal sa ilalim ng tubig. Gano’n ang routine ng buhay ng mga Badjao na maninirahan sa mababaw na bahagi ng karagatan kung saan nakatirik ant kanilang nga bahay.

Ang etnikong tribung Badjao ay nakakalat ang kanilang lahi sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at iba pang coastal towns ng Mindanao tulad ng Zamboanga City. Mayroon ding naninirahang mga Badjao sa Davao, Cebu at General Santos City sa Kamindanawan.

Dito sa Luzon, ay maraming Badjao na maninirahan dito. Natutunan nila ang pamamalimos sa lansangan at may pagkakataon na nakakasabay nila ang mga katutubong Aeta sa panghihingi ng limos sa lansangan partikular sa mga motorista.

May mga Badjao din na napadpad sa Bulacan. Ilan sa kanila ang nagtayo ng bahay sa gilid ng ilog na yari sa kawayan at pawid. Dahil bihasa sila sa pangingisda, nanghuhuli sila ng isda sa ilog upang may maipantawid gutom ang kani-kanilang mga pamilya.

Sa kasamang palad, ang mga bahay ng Badjao ay tinangay ng malakas ng agos ng tubig noong nagkaroon ng malalim at malawakang pagbaha sa Calumpit makaraang umapaw ang ilog doon. At dahil doon nagbalik-lansangan ang mga Badjao at ipinagpatuloy ang kanilang pamamalimos sa lansangan

Hindi naman lahat ng Badjao ay manatili sa hikahos na kalagayan. Matatandaan ang trese anyos na Badjao na si Rita Gaviola, ay nakuhahan ng litrato ng Isang blogger habang nagtitinda ng sampaguita sa lugar ng “Pahiyas Festival” sa Lucban, Quezon.

Nag-viral noon ang litrato ni Rita na namamalimos sa kalye hanggang sa makilala na siya bilang si Badjao Girl, at noong taong 2016 ay napabilang si Rita, sa “Pinoy Big Brother 7 Teen Edition” ngunit hindi pinalad na manalo. Nalaman na lamang ng lahat na pinasok na niya ang trabahong pagmomodelo.

Naging products endorser si Rita at dahil beauty products ang kanyang ineendorso, lalong gumanda si Rita at mula noon ay bihira na siyang maging laman ng social media at nang minsan siyang naging guest sa
Isang episode ng “Eat Bulaga” kamakailan ay natanong si Rita bilang isa sa mga choices sa “Bawal Judgmental” tungkol sa pinagdaraanan niya matapos ilantad ang kanyang pagiging ina ng kanyang anak.

Ayon sa report may pamilya na si Rita, at Isa na ring matagumpay na negosyante ng food products. Wika nga, may kani-kanyang destiny ang bawat tao. Kahit ang mga katutubo Badjao man o Aeta ay nagtatagumpay sa kanilang karera sa buhay. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments