Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionDevelopmental Journalism, ayon kay Cito Beltran

Developmental Journalism, ayon kay Cito Beltran

NAGING panauhing tagapagsalita sa isang pa-seminar ng San Miguel Corporation (SMC), ang iba’t ibang media organization sa Central Luzon, kabilang ang Bulacan Press Club Inc. Isinagawa ang isang araw na seminar sa Cinema 4 ng SM Supermall sa Cabanatuan City, nitong June 7, 2024

Sa tulad kong beterano na rin sa larangan ng pamamahayag ay hindi na bago sa akin ang mga paksang tinalakay ng mga guest speaker, maliban sa paksang tinalakay ng

YouTube at Facebook blogger na si Mer Layson, na tinaguriang “Magsasakang Reporter” dahil bihirang peryodista ang nagsusulat ng balitang agrikutura, bagaman at kakaiba ang estilo ni Layson sa larangan ng pagsasaka.

Maganda rin naman ang naging paksa ni Atty Danilo Balucos, kung papaano ang pag-iwas na makasuhan ng cyber libel dahil ang mga peryodista ay hindi pa masyadong maalam tungkol sa Cyber Crime Prevetion Act, kaya mainam din naman na makapakinig ng panayam tungkol sa cyber libel dahil magkaiba ang esensiya ng cyber liber kumpara sa dati ng batas ukol sa libelo.

Pero ito si Cito Beltran ay ibang paksa ang kanyang ipinunto. Tungkol sa Developmental Jounalism. Maraming peryodista at brodkaster na naroon sa seminar ang nangiti nang banggitin ni Cito ang developmental. Kahawig kasi iyon ng kolokyal na salita ng media pipol na ‘envelopmental journalism’.

Alam ninyo, naging kultura na yata sa hanay ng mga mamamahayag at ng mga pulitiko ang pagiging magkaibigan sa ‘panulat’. Mayroong mga public servant na nasisiyahan na makitang nakalathala sa pahayagan o mabrodkast sa radyo ang kanilang mga magagandang accomplishments.

At dahil nasiyahan, natuwa ang pubic officiasl sa magandang pagkakahagod sa pagsulat ng mgakaibigang reporter ng kanilang mga proyekto ay may pakunsiderasyondin naman itong sina public official sa mga kaibigang reporter dahil talaga namang karapat-dapat na maisapbliko ang kanilang mga nagawa habang sila ay nanunungkulan. Iyan ang developmental journalism.

Karapatan ng peryodista na sulatin ang magagandang accomplishment ng mga nanunungkulang pulitiko upang mabatid ng taumbayan na sila ay naglilingkod sa bayan. Alam ninyo, iyang mga public servant ay marunong makiramdam ang mga iyan. Hindi sila manhid kaya nga magkakaibigan ang media at ang pulitiko pero hindi naman lahat.

Sadyang may mga public official na walang hilig sa publisidad. Ayaw nila na naisasapubliko, naisusulat sa pahayagan at naibabalita sa radyo ang kanilang mga accomplishment. Kaya naman kung ayaw nila ng publisidad eh di huwag. Baka ikinakatwiran kasi na mayroon naman social media tulad ng Facebook.

Tama si Cito Beltran. Dapat tumutok ang mga mamamahayag sa developmental journalism Maraming mga magagandang pangyayari na dapat na maibalita upang malaman ng taumbayan tulad na lamang ng adbokasiya ng San Miguel Corporation na nililinis, hinuhukay at pinalalalim ang bahaw na mga kailugan ng Bulacan at iyon ay walang bayad — libreng serbisyo para sa mga Bulakenyo.

Matagal na rin namang naisagawa ng SMC ang proyektong pagpapalalim sa mga kailugan ng Bulacan upang mabawasan ang problema sa baha sa lalawigan, partikular sa low lying areas. Ganyan ang SMC sa larangan ng serbisyo publiko, Walang kailangang gumasta basta nakatutulong sila sa nakararaming mamamayan partikular sa Lalawigan ng Bulacan, kudos to SMC! (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments