Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational News‘Factual’ at ‘independent’ review sa New Senate Building, pangako ni Sen. Cayetano

‘Factual’ at ‘independent’ review sa New Senate Building, pangako ni Sen. Cayetano

MANILA — Binigyang diin ni Senator Alan Peter Cayetano kamakailan na ang isyu sa budget ng itinatayong New Senate Building ay bahagi ng “factual” at “independent” na pagsusuri at hindi dapat magresulta sa mga haka-haka.

“The goal is to have the best functional and iconic Senate building that will be a symbol of our democratic process of the will of the Filipino people, at the best quality at the right cost,” wika ni Cayetano sa isang Facebook Live session nitong June 12, 2024.

Ito ay kasunod ng nauna nangt utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na pansamantalang suspindehin ang trabaho sa konstruksyon ng NSB sa Taguig City dahil sa lumalaking gastusin na aniyay nangangailangan ng kumprehensibong pagsusuri.

Ang desisyong ito ay nagmula sa isang report mula sa Senate Committee on Accounts (CA), na pinamumunuan ni Cayetano, na nagpapakita ng pagtaas ng mga gastos sa proyekto ng NSB sa dagdag na halagang P10 bilyon para makumpleto ang gusali.

Ayon kay Cayetano, nagsagawa siya ng mga pagpupulong sa stakeholder, kabilang ang mga kinatawan ng mga dating chairperson ng CA na sina Senadora Nancy Binay at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson, upang mabigyang linaw ang usapin.

Matapos nito, nagpadala siya ng isang executive summary ng initial review at mga mungkahi kay Escudero. “Hindi po ito haka-haka, lahat po ito ay official. May mga reports at may documents,” wika ni Cayetano.

“Maganda naman po ang start pero lahat po ng nakakita ng costs ay medyo nagulat,” dagdag niya.

Sa kabila ng mga ulat ng pagpapatigil, pinanindigan ni Cayetano na dapat magpatuloy ang konstruksyon ng NSB habang tumatakbo ang review. Aniya, ang third phase lamang na hindi pa nasisimulan ang may posibilidad na maantala.

“Pwede naman po na tuloy ang construction habang nirereview namin. Wala pong conflict iyon. We’re just looking at the documentation, y’ung mga ‘why’ at ‘what,’ pero tuloy-tuloy po ‘yan para walang delay,” wika niya.

“Bilang chairperson ng Committee on Accounts na may mandate na sound fiscal management at y’ung pag-audit ng pondo na may kinalaman ang Senado, ito rin po ang isa sa mga unang sinabi ng ating Senate President — let’s review, let’s make sure that we do what is right,” dagdag niya.

Gayunpaman, iginiit ni Cayetano na walang dahilan para maghaka-haka ang publiko at siniguro na ang kanyang komite, kasama ang isang high-level coordination team, ay magpapatuloy sa independent na pagsusuri ng proyekto.

“Let’s not speculate. Nagre-review lang po tayo. Hindi po pwede rito ang assumption at akala,” wika niya.

Nagtapos ang kanyang Facebook Live sa pagbibigay-diin na dapat tuparin ng Senado ang mandato nito nang may integridad, maging ehemplo pagdating sa pagiging tapat, at manatiling gumagawa ng mga moral na desisyon.

“In fulfilling that mandate, kailangan we lead by example… Iba ang puwede, iba ang dapat,” wika niya.

“We have to have the ascendancy and the credibility. When we exercise oversight powers over other projects of the government, we have to start with ourselves,” dagdag niya. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments