Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionMatalas ang memorya ng ‘Agila’ ng Bulacan

Matalas ang memorya ng ‘Agila’ ng Bulacan

NOONG ako ay bata pa ng dekada 60, ang lalawigan ng Bulacan noon ay nahahati pa sa dalawang distrito kaya malawak ang sakop ng dalawang kongresista na kumakatawan sa dalawang distrito ng lalawigan. Natatandaan ko rin ang galing at husay ng noo’y kinatawan ng Unang Distrito ng Bulacan si Teodulo C. Natividad, ang ama ng kasalukuyang punong lungsod ng Malolos Mayor Christian D. Natividad, kapag siya (Teddy) ay nagsasalita sa entablado.

Hindi pa ako botante noon pero gustong gusto kong makinig ng talumpati ng mga kandidato kapag mayroong caucus at miting de avance ang mga kandidatong pulitiko kaya naging paborito kong kandidato oon si Teddy Natividad dahil sa mahusay siyang humabi ng mga linya ng pangungusap kahit wala sayang binabasang kodigo. Gano’n naman talaga ang mga kandidatong pulitiko noon, matatalas ang memorya, tulad ni Teddy Natividad.

Malolos Mayor Christian D. Natividad

Kaya nitong nakaraang paggunita ng ika-126 taon ng Kasarinlan ng Pilipinas na isinagawa sa patio ng Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, si Mayor Christian ang naatasang magbigay ng bating pagtanggap sa mga panauhin. Ang panauhing pandangal sa nasabing makasaysayang okasyon ay si House Speaker Martin Romualdez.

Nang tawagin ng tagapagdaloy ng palatuntunan si Mayor Natividad ay tumindig ito mula sa silyang kinauupuan napansin ko na wala siyang hawak na papel o kodigo. Pagtayo niya sa harap ng taong sumaksi sa nasabing pagdiriwang ay nagbigay muna siya ng sulyap sa nagdaang kasaysayan kung paano ito idineklara ng mga rebolusyunaryong Pilipino sa balkonahe ng mansiyon ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noongHunyo 12, 1898.

Malinaw niyang binigkas ang ilang bahagi ng kasaysayan ng Philippine Independence at banggitin ang mga salitang Espanyol na “Cavite El Viejo” (sinaunang pangalan ng Kawit/Cavite), at ang “Acta de la Proclamacion de independencia del pueblo Filipino” ang kasulatan na binasa sa araw ng deklarasyon ng kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ay isinulat sa wikang Espanyol ni Ambrosio Rianzares Bautista, kilala bilang “Don Bosyong”, Ang nilalaman ng proklamasyon ay ang marubdob na pagnanais ng kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng Espana.

Malinaw na nabigkas ni Mayor Natividad sa kanyang maikling pahayag ang buod ng kasaysayan ng kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas. Nasambit ko tuloy sa aking sarili na waring nakikita ko sa katauhan ni Mayor Christian ang kanyang yumaong ama sa punto at tono ng kanyang pananalita maging sa pagbigkas ng mga linya ng walang binabasang kodigo kahit na ako ay binatilyo pa lamang sa kapanahunan ng kanyang ama.

May mga tao talaga na isinilang na magagaling. Kung tawaging sila mula pa lamang sa pagkabata ay gifted child kaya naman ang espesyal na talento na kaloob sa kanila ng Maykapal ang siyang nagiging tulay nila sa pamumuno bilang karapatdapat na mga lingkod ng bayan.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments